KABANATA 18

53 5 80
                                    


2020

"Tang ina," mura ko nang may tumamang crampled paper sa ulo ko habang natutulog sa lesson ng boring namin na prof.

The fuck.

Masama ang mata kong lumingon sa likuran ko at nakita ang dalawang babae na naturuan at nag hampasan pa. Mukhang sila ang nambato.

Inis akong humarap sa panot na nagtuturo. He's our Readings in Philippine History prof.

Halos apat taon na rin ang naka-lipas, nakulong ako ng dalawang buwan pero tumakas ako sa bilangguan at dinelete ko ang mga records ko. Hinack ko ang systems nila-bagay na natutunan ko noon sa isang tauhan ni Reg.

Napadpad ako dito sa Baguio City, isang lugar na masasabi kong kakaiba sa lahat ng lugar na napuntahan ko sa buong Pilipinas.

2019 nang makarating ako dito mula sa kung saan-saan na pag tago sa iba't-ibang lugar. May nakita kong poster noon na nag a-alok ng Scholarship sa University of Baguio, wala sa isip kong mag aral ngunit dinala ako dito ng paa ko upang mag bago.

Naka pasa ako sa scholarship dahil sa pekeng senior high grades ko na puro line of nine, salamat kay Reg. Sana lang ay ganito talaga ako ka-talino.

Noong una, hindi ko alam kung anong kukuhanin ko'ng course dahil wala naman akong pangarap, hindi ko naisip ang bagay na iyon dati.

Hanggang sa maalala ko si kuya Jerone...

At iyon ang dahilan kung bakit engineering ang kinuha ko.

Tuwing gabi ay nag papart time ako, walang oras na hindi ko inaabala ang sarili sa ibang bagay. Kaya walang oras na puro trabaho at aral lang ang iniisip ko, wala nang iba.

I blinked my eyes when a girl suddenly flashed at my sight.

"Sorry po! Sorry po talaga, hindi po talaga Ikaw 'yung binabato namin kanina! Yung nasa likod mo po kasi, bully po 'yon kaya ginagantigan namin ng patago!" Napatitig lang ako sa babae na ilang beses humingi ng tawad sa harap ko.

She has a pale white skin color, cute brows and eyes, high bridge nose, pinkish lips. Payat siya at may kahabaan ang buhok.

"Hehe, sorry na po!" Singit naman ng katabi niya na mukhang may lahing foreigner. Maputi, Matangkad, pointed nose, mukha siyang artista.

"Okay," sambit ko at tumayo. Mukhang blockmates ko sila sa minor subject.

Hanggang sa paglabas ko ay naka sunod pa rin sila saakin kaya hindi ko maiwasang 'di mainis.

Nang lumingon ako sakanila ay agad silang tumingin sa ibang direksyon na parang patay malisya.

"Zara!" Dinig kong tawag ng isang babae sa kung sino sakanilang dalawa na sumusunod saakin. Dahil roon ay tuluyan na akong naka layo, hindi na nila ako sinundan.

After ng class ko sa Engineering Mathematics-1 ay dumeretcho agad ako sa canteen para bumili ng tubig. Ilang oras pa ang vacant ko at duty ko na sa pagtra-trabahuan ko.

Ilang sandali pa ay nakita ko nanaman ang magkaibigan kanina pero sa pagkakataong ito ay may kasama na sila, isang medyo singkit at mahaba ang pilik mata na may bangs, isang singkit ulit na kasing puti ng balat ang nyebe, kulay abo ang mata at buhok na hanggang leeg.

"Dumating kasi mga pamangkin ko kagabi, syempre naaliw ako kaya kinwentuhan ko sila ng kung ano-ano hanggang maka tulog tas 'yon, ako napuyat" kwento ng may bangs.

"Bagay naman sa'yo eyebags mo, Selina" tawa ng babae kanina na mukhang foreigner.

"Saan ang hustisya? Ba't yung mata ko pag may eyebags parang sinapak? 'di ba Zara?!" Singit ng babaeng nag sorry saakin kanina sabay siko sa mukhang foreigner.

HEARTLESS SERIES: EvielleWhere stories live. Discover now