KABANATA 13

40 7 1
                                    

APRIL 22 na ngayon, isang linggo nalamang ay katapusan na at naghahanda na ako upang sumama sa paglalakbay nila Don Juanco.

"Hindi mo naman kailangang sumama," sambit ko kay Alonzo.

"Hindi mo ba ako gusto kasama?" Tanong niya at umusog sa tabi ko, nagbabantay ako rito sa silid aklatan at lagi rin siyang nandito upang samahan ako kahit hindi ko naman hinihiling.

"G-gusto" saad ko at tinuon ang mata sa libro na inumpisahan ko palang basahin.

"Ngunit...mas mabuti kung h'wag ka nang lumayo pa sa pamilya mo para lang sumama saakin" dagdag ko.

Bumuntong hininga siya, "Sasamahan kita, buo na ang aking desisyon" mariin niyang sambit, tumingin ako sakaniya at kita ko ang kaseryosohan sa mata niyang nakatitig saakin.

Umiwas ako ng tingin, "Wala pa rin si Elias?" Pag-iba ko ng topic.

"Tutuluyan ko ang isang 'yon pag uwi niya. Sinadya niya sigurong hindi umuwi para mag alala ka tapos pag selosin ako" inis niyang sambit at napahampas pa sa mesa ang gago. Kinunutan ko siya ng noo dahil sa ka-artehan niya.

"Biro lang," tawa ni Alonzo. "Uuwi rin iyon, h'wag ka mag alala. Malapit na ata ang kaniyang eksamen, marahil nasa bahay siya ng kaniyang mga kaibigan o kakalse" paliwanag niya.

Hindi raw kasi umuwi kagabi si Elias.


MATAPOS ang tatlong araw, lagi kong pinapagod ang sairili ko sa pag bo-boluntaryo ng mga gawain. Mag dadalawang linggo na kasi akong hindi nakaka tulog ng maayos kai-isip tungkol sa panaginip na iyon.

Kahapon, dahil napagod ako sa pag laba ng damit naming lahat sa bahay ay madali lang ako nakatulog, umaaasa ako na kapag napagod ulit ako ay makakatulog ulit ako ng maayos.

"Kumain ka nga muna," inabot saakin ni Alonzo ang suman na gawa sa kamoteng kahoy.

"Salamat," saad ko sabay kuha niyon at pinatong sa upuan. Tumalikod ulit ako at bumalik sa ginagawa, sinasalansan ko kasi ang mga diaryo na idedeliver ng kukuha bukas.

Nagulat ako nang ibagsak ni Alonzo ang kamay niya sa lamesang nasa harapan ko. "Hindi ka na nga raw nag-agahan, hindi ka pa mag mimiryenda?" Tanong niya.

Napakurap ako sandali dahil sa tono ng pananalita niya na parang tatay na galit. Bumuntong hininga ako at kinuha ang suman, kinain ko iyon nang hindi nagsasalita.

"May nagawa ba akong kasalanan? Anong suliranin?" Kalaunan ay tanong ni Alonzo. Agad naman akong umiling.

"Anong nais mong gawin ko upang ako'y iyong mapatawad na?" Tanong niya muli. Tinignan ko lang siya ng blangko. "Ako na magpapaumanhin kahit ako'y wala namang ginagawang mali" labas ilong niyang sabi kaya umirap lang ako.

Paano ko siya maiiwasan kung ganito?!

"Nais mo ba ng romansa at pag-suyo?"

Muntik na ako mabilaukan dahil sa tanong na iyon. Agad naman niya akong inabutan ng tubig at pinalo ng marahan ang likod ko. "Ano ba?!" Inis kong inalis ang kamay niya saakin.

"Paumanhin"

Mabilis ko rin naman agad naubos ang suman at tinapon nalamang sa basurahan ang dahon ng saging na pinambalot, pagkatapos ay dali-dali na akong pumunta sa pinaka sulok na upuan para magbasa ng libro.

Ngunit ilang minuto na akong nagtitingin ng magandang kwento ay hindi ako makapag focus!

Paano ba naman kasi ay ramdam na ramdam ko ang tingin saakin ni Alonzo. Gayunman ay nagawa ko pa ring mag walang kibo at kunwari'y nagbabasa.

Napalunok ako nang maglakad si Alonzo patungo sa direksyon ko ngunit tumigil siya sa isang shelf at kumuha ng isang libro na ang laman ay comics. Hindi pa maganda ang artstyle no'n at wala pang kulay.

HEARTLESS SERIES: EvielleWhere stories live. Discover now