KABANATA 8

53 9 0
                                    

"NAGMULA ka pala sa Inglatera? Ang galing!" Tuwang-tuwang puri ni Alonzo saakin. Tahimik lang ako habang dinadaldal niya ako ng napakatagal.

"Anong masasabi mo sakanilang bansa?" Tanong niya. Nag kibit balikat lang ako.

Napa-nguso si Alonzo at nanahimik sandali kaya agad ko siyang tinignan sa mukha. Nasa balkonahe kami at ramdam na ramdam ko ang hangin.

"Masagana at mapayapa ang pamumuno ng kanilang hari at Reyna" marahan kong sagot. Dahan-dahan naman siyang ngumiti.

"Una na ako" paaalam ko nang makitang tapos na mag-ayos sila ate Eugenia.

"Ingat," ngiti saakin ni Alonzo pero nakasunod pa rin saaking likuran.

Nang maka-rating sa bahay ay agad akong nagtrabaho ng mga gawaing bahay pagkatapos ay nag pahinga sandali. Balak kong lumabas para humanap ng halamang gamot na kinakailangan ni Jea.

"Ate Eugenia, lalabas ho sana ako" paalam ko.

"Sinabi ko nang 'wag akong ina-ate" sita niya pero napangiwi lang ako dahil hindi ko mapigilan.

"Eugenia pala...ang akward," bulong ko sa dulo.

"O' siya, anong gagawin mo sa labas?" Tanong niya.

"Mayroon lang ho akong bibilhin" tugon ko. Ngumiti naman siya at sinabing mag i-ingat ako at umuwi raw bago mag takipsilim.

"ALE, may alam ho ba kayong bilihan o kuhanan ng mga halamang gamot rito?" tanong ko. Umiling naman ang ale at pinasa ang tanong ko sa ibang matatandang kasama.

"May botika malapit sa bayan. Mag tanong ka roon" tugon ng isa. Agad akong nagpa salamat at nagpaalam.

7093 leaf. Hindi ko alam kung paano ko mahahanap ang dahon na iyon sa pamamagitan ng numero lamang.

Halos tatlong oras akong nag hanap sa buong bayan. Sa huli ay umuwi akong walang napala.

Ang hirap hanapin ng bagay na hindi ko naman sigurado kung ano. Pero para sa kaibigan ko, kailangan kong gawin.

Muli kong tinignan ang litrato naming magkakaibigan at bumuntong hininga. Kailangan ko rin kayong hanapin, paano kung isa pala sainyo ang napapahamak na ngayon?

Ilang linggo ang nakalipas. Medyo nasanay na ako sa panahong ito, ang kultura, pananalita, tradisyon at kaugalian. Nakaka bilib nga dahil natuto na rin ako mag luto.

Bilang na putahe nga lang pero nae-excite akong ipagmayabang 'to sa mga kaibigan ko. Sila kaya? Anong ginagawa nila sa mga oras na 'to?

"Sino hong nag luto?" Tanong ni Alonzo kay Ate Eugenia habang nasa hapag kainan kami.

"Si ate Eva" si Anette ang sumagot.

"Ang sarap," simpleng puri ni Diego. Sumang-ayon naman si Alonzo at pinalakpakan pa ako. Nanatili lang akong seryoso ang mukha kahit proud na proud ang kalooban ko at gustong mag diwang.

Dito sila Diego at Adan na nag lunch dahil pinagsibak nila kami ng kahoy na panggatong.

Adobong manok naman ang niluto ko.

Pasimple akong ngumiti nang hindi pinapakita sakanila. Sa buong buhay ko ngayon palang ata ako napupuri ng ganito. Syempre dahil hindi naman ako nagluluto, wala naman kasi akong time at wala akong tiwala sa sarili ko

Sa ilang linggong narito ako ay isang buwan na rin pala ang naka lipas at masasabi kong napalapit na ako kay Anette, Diego at lalo na kay Alonzo. Himalang hindi na ako naiirita sa kakulitan nila.

"Nga pala, sabi ni ina ay pumunta raw kayo ni Anette sa bahay dahil may ibibigay siyang mga damit" saad ni Alonzo saamin ni Anette.

"Sige, pupunta kami ni ate mamaya sabay kami sainyo!" Agad na tugon ni Anette.

HEARTLESS SERIES: EvielleWhere stories live. Discover now