KABANATA 10

50 6 0
                                    

"EVA" bumungad si Elias nang kumatok ako sa pintuan nila. "Wala si Tiya at Criselda, nasa pamilihan. Ako lamang at si...ah," napatigil siya at napa tango habang bahagyang umangat ang sulok ng kaniyang labi.

"Paalis na rin lang ako," yumukod siya at ngumiti ng tipid. "Pasok ka, tulog pa si Adan" sambit niya at inayos ang damit.

Napa-isip ako sandali kung ano ang dapat sabihin, may hawak akong bilao ng suman na ginawa namin kagabi, nais ko sana silang bigyan.

"Aalis na rin ako, h'wag ka mabahala hindi naman ako tipo ng taong sumbungero. Hindi ko ipagkakalat kung ano man ang relasyon-"

"Anong relasyon? Mali ka ng nasa isip!" Agad kong sumbat.

Tumaas ang kilay niya at bahagyang napakunot. "Anong dahilan ng isang binibini upang bisitahin ang isang ginoo ng-"

"Basta! Mali-"

"Sige, mali nga ako ng iniisip" sambit niya. Ngumisi siya na parang nang a-asar saka yumukod at iniwan akong naka buka ang labi. Napapikit ako sa inis at binuksan ang pinto.

Padabog kong pinatong ang bilao sa mesa at naglakad sa kuwarto kung saan natutulog silang magpipinsan na lalaki. Napa tigil ako nang makitang naka awang ng kaunti ang pintuan.

AGAD akong sumilip at nakitang gising si Alonzo. Kumportable siyang naka higa sa banig habang ang kumot ay nasa paanan na. Yakap-yakap naman niya ang unan na naka patong sakaniya at naka ngiti na animo'y isang hibang. Naka titig pa siya sa bubungan at tumatawa mag isa.

Ano problema niya? Nababaliw na ba ang isang 'to?

Tinapik niya ang pisngi niya at yinakap ng mahigpit ang unan. "Evyel..." Kumunot ang noo ko nang sambitin niya ang aking pangalan habang naka ngiti na parang siraulo.

Tumawa siya ng mahina, "Maging sa panaginip ba naman ay binabaliw mo ako," sambit niya sabay unat.

Napatingin siya sa gawi ko kaya nanatili akong nakatitig sakaniya ng seryoso.

Halos magdugtong ang kilay ko nang mas lumawak ang ngiti niya habang nakatitig saakin. "Umalis ka na nga sa'king imahinasyon!" Utos niya dahilan para samaan ko siya ng tingin.

"Ahh! Sabing umalis ka, eh!" Aniya pa at tinakpan ang mukha gamit ang yakap-yakap na unan.

Dali-daling akong nag lakad papunta sakaniya at inalis ang unan sakaniyang mukha. "Anong-"

"Anong sinasabi mo?!" Inis kong tanong sakaniya. Nanlaki ang mata niya at walang kurap na tinitigan ako.

"Eva?" Tanong niya at kumurap-kurap.

Suminghap ako at tumayo.

"Evyel!" Animo'y ngayon lang siya nag balik sa katinuan. Agad siyang bumangon at nasagi sagi niya pa ang mga gamit sa mesang katabi.

Kunot noo ko siyang tinignan habang ang mukha niya ay namumula sa hiya. "Ang...narinig mo---Ah, b-bakit ka nandito?!" Natataranta niyang tanong.

"Nag dala ako ng suman, pinapabigay ni Ate Eugenia" sambit ko. Agad akong tumalikod dahil naging akward para saakin ang sitwasyon.

"Ah.. salamat" aniya at sumunod sa pag labas.

"A-Aalis ka na?" Tanong niya.

Tumango ako.

"Sandali," tawag niya. Tumingin ako sakaniya.

"Ang tungkol sa..."

"Tigil-tigilan mo 'yang kahibangan mo," seryoso kong sambit at agad ko siyang nilayasan.

Pagka labas ko ay agad akong nag lakad ng mabilis pauwi.

Pag pasok ko sa kuwarto ay napahawak ako sa tapat ng aking puso. Bumuntong hininga ako at umupo sa kama.

HEARTLESS SERIES: EvielleWhere stories live. Discover now