KABANATA 14

43 5 1
                                    

Warning: Violence





"Mama.."

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko habang pilit na tinatakpan at pinipigilan ang pag agos ng dugo sa tiyan ni Mama na may saksak na kutsilyo.

"M-mama..." Pag iyak ko ngunit nanatili lang siyang nakatitig saakin, hinawakan niya ang kamay ko at sinubukang ibuka ang labi.

"I-I love you..." Huling sambit niya kasabay ng pag patak ng kaniyang luha.

"Ma!" Gulat akong umupo at tatayo sana nang may humawak sa kamay ko at tinapat saakin ang lampara.

"Eva..." Nang makilala ko ang boses ni ate Eugenia ay sunod-sunod na tumulo ang luha ko habang naninikip ang aking dibdib.

"Tahan na hija," marahang yakap ni Ate Eugenia saakin. Ilang saglit pa'y dumating si Anette at binigyan ako ng tubig na maiinom.

Ang sabi ni Anette ay naririnig niya raw akong nagsasalita, mabuti nalamang at hindi ko nasarang mabuti ang aking silid dahil kung sakali ay hindi nila ako magigising sa bangungot.











"DON'T tats my burdieee~" tumatawa-tawang kanta ni Alonzo habang naghuhugas ng pinagkainan namin.

"Bilisan mo riyan at mag u-usap tayo ng masinsinan!" Piningot siya ni Aling Susan.

"Aray ko naman ina, ito na nga't ako'y tapos na!" Pinunasan ni Alonzo ang kamay at parang minion na tuwang-tuwa na umupo sa mga upuang naka-palibot.

Seryoso lamang akong uminom ng tsaa, ang nararamdaman ko ngayon ay nasa gitna ng pangamba at kaba na may kaunting kiliti sa puso.

"Kailan kami ikakasal?!" Tuwang-tuwang tanong ni Alonzo pagka-upong pagka-upo niya.

Lahat naman kami ay walang kurap na tumingin sakaniya. "Hibang ka na talaga!" Pinalo siya ni Aling Susan.

"Guapo ho," katwiran niya sabay pogi sign.

Binatukan naman siya ni Criselda.

Tumahimik lamang siya nang seryosong tumikhim si Don Matiao. "Bibigyan ko kayo ng pagkakataong umamin, ano ang relasyon niyo?" Seryosong tanong niya saamin dahilan upang mapangiwi ako.

Nagtininginan naman si Criselda at Anette, si Ate Eugenia at Aling Susan ay pareho ang reaksyon na para bang may inaabangan silang malaking bagay. Napatigil naman si Diego sa pag timpla ng kape at si Elias na kalalabas lamang ng kuwarto ay animo'y naka kita ng diablo, bagsak pa ang panga at magulo ang buhok.

"Wala ho kaming relasyon," sagot ko at tumingin kay Alonzo na pigil ngiti kay Don Matiao ngunit agad ring pumirmi nang magtama ang aming tingin.

"Walang relasyon?"usisa ni Don Matiao na nagdududa sa sagot ko. Pagkatapos ay tumingin siya kay Alonzo.

"Totoo ho ang sinabi ni Eva, wala kaming relasyon ngunit may gusto ako sakaniya" deretchahan niyang sabi, umangat ang tingin ko sakaniya at namula sa inis.

Nanlaki ang mata ni Ate Eugenia at Aling Susan.

"Sabi ko na nga ba, eh!" Palakpak ni Anette na para bang kinikilig pa at hinampas-hampas si Criselda, sinabayan naman iyon ng pag talangka ni Ate Eugenia at Aling Susan.

"Manahimik kayo!" Natigilan ang lahat.

Pati ako ay medyo kinabahan dahil sa unang pagkakataong sumigaw si Don Matiao.

"Kayo'y pumanhik sa kuwarto" mariing utos ni Don Matiao sa magkaibigan, agad namang sumunod si Anette at Criselda.

Tumikhim si Alonzo at umiwas ng tingin, nag mukha na rin siyang kabado. "Iyan ba ang tamang asal ng isang lalaki?" Mariing tanong ni Don Matiao.

HEARTLESS SERIES: EvielleOù les histoires vivent. Découvrez maintenant