Wakas

77 5 4
                                    

Featured song above: Kung wala ka- Hale


ANIMO'Y lumulutang sa nakapapasong hangin ang pakiramdam ni Alonzo. Wala siyang makita bukod sa kadiliman habang unti-unti niyang naririnig ang kaliwa't-kanang boses mula sa mga pamilyar na mukha. Nais niyang itaas ang kaniyang kamay upang abutin si Elias na nakatitig lamang sakaniya ngunit hindi niya magawa. Nais niyang ihakbang ang paa upang lumapit kay Diego ngunit hindi rin siya makakilos.

Panaginip...

O marahil ay isang bangungot.

Hindi niya maipaliwanag kung ano ang kaniyang sitwasyon hanggang sa isang tinig ang nagpalaho sa nakakikilabot na dilim.

"Patawarin mo ako dahil maraming nadadamay dahil sa mga pinagdaraanan ko..."

Ang pamilyar na tinig na iyon ay agad nakilala ni Alonzo mula sa mahimbig na pagkatulog.

"Hindi ko maintindihan kung bakit kinakailangan ko'ng pagdaanan lahat ng pasakit. Pakiramdam ko'y ako lang ang sinusubok ng Diyos dahil... bakit ang mundo'y nag sasaya't nag diriwang habang ako ay pinagpyepyestahan ng iba't-ibang abuso, pananakit... "

Ngunit...hanggang roon ay naririnig niya ang poot, lungkot, takot at galit kay Evielle.
Naninikip ang kaniyang puso, gustong igalaw ang sarili upang lumapit sa dalaga at yakapin ito.

"Ngunit ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ganito kalupit saakin ang tadhana't kapalaran"

"Dahil ganito rin ako kalupit sa ibang tao...at sa sarili ko,"

"Hindi ko alam kung ano bang dapat kong pagsisihan. Ang makilala ka? O ang mga oras na sinayang ko para makagawa sana ng mas mahabang ala-ala?"

Naninikip ang puso ni Alonzo habang pinapakinggan ang boses ni Evielle. Nais niyang tumugon, nais niyang hawakan ang kamay ng dalaga at masilayan ang ngiti nito...

"N-Natatakot kasi ako...na kapag hinayaan ko ang aking sariling mapalapit lalo sa'yo ay tuluyan kitang mahalin at ang kahihinatnan ay ang pinaka nakatatakot,"

Hindi niya maintindihan kung ano ba ang kahihinatnan na nais nitong iparating ngunit gusto niyang sabihin rito na hindi mali ang kaniyang pagmamahal.

"Patawarin mo ako dahil nagsinungaling ako. Hinihiling ko na sana...naririnig mo ako ngayon, sana kahit sa panaginip man lang ay masalamin mo ang aking mga sinasabi... Patawarin mo ako Adan, hindi ako mula sa panahong ito, simula pa nang una ay alam ko nang hindi ako permanente dito...aaalis at aalis ako at hinding-hindi na babalik. "

Para bang isang matalim na punyal ang sumaksak sa puso ni Alonzo mula sa katagang iyon. Gusto niyang humiyaw at magsumamong magising na. Gusto niyang sabihin kay Evielle na hindi nito kailangang humingi ng tawad, wala itong kasalanan.

HEARTLESS SERIES: EvielleWhere stories live. Discover now