KABANATA 7

58 8 0
                                    

"H-HINDI ako tumatanggap ng kaibigan" agad kong sambit.

Narinig ko ang buntong hininga niya.

"Asawa? Tumatanggap ka ba?" seryosong tanong niya, napakurap-kurap ako at kinunutan siya ng noo. Seryoso ba talaga 'tong gagong 'to? Nang tumawa siya ay nabawasana ang kaba ko.

"Biro lang" bawi niya at tatayo na sana ngunit muli siyang lumingon saakin.

"Huwag mo sanang masamain ang mga tinuturan kong salita sa'yo. Sabihin mo lamang kung hindi ka kumportable" ngiti niya.

"Hindi ako kumportable" agad kong tugon.

"Seryoso?" Tanong niya na animo'y napahiya.

Tumango ako.

"Hindi ko gusto sa maingay"

Natahimik siya bigla at dahan-dahang tumango.

"Naiintindihan ko" ngumiti siya ngunit sa pagkakataong iyon aya alam ko na, isa ring pekeng ngiti.

Tumawa siya ng akward, "Paumanhin. Masyado akong maingay, paumanhin kung hindi mo ako nagustuhan dahil—"

"Hindi ko gusto sa ingay. Hindi ko sinabing sa'yo. Sa ingay lang" pagka-klaro ko.

Tiniklop niyo ang labi niya at dahan-dahang ngumiti ng abot tainga. "Sige, sisikapin kong hindi...masyadong mag-ingay" tumawa pa siya. Tumango ako at sinandal ang ulo sa pader. Kahit papaano ay tumaas ang sulok ng labi ko dahil sa nakakahawa niyang pag-tawa.

UMAANDAP-ANDAP na ang sindi ng lampara, katabi ko si Ate Eugenia sa banig. Marahan akong umupo, hindi ko alam ang oras ngunit nasisiguro kong lagpas na ng hating gabi. Iniisip ko kung paano ko mahahanap ang gamot, kung paano ko mahahanap sila Drianna at...ang nangyari kay Jea.

Dahan-dahan akong lumabas ng silid, nawawalhan na ng sindi  ang mga lamparang  nakasabit sa mga pader ng bahay kaya hindi ko masyadong makita ang daan papuntang kusina.

Huminga ako ng malalim at kumuha ng baso, nag salin ako ng tubig galing sa pitsel at ininom iyon. Nagulat ako dahil namatay ang sindi ng gasera sa kusina kung kaya't wala akong makita.

"Tangina naman," pabulong kong mura at kinapa ang bagay sa aking tagiliran.

Nakaka gago pero sa panty ko sinisiksik ang lighter. Buti nga may nadala ako pagpunta rito, nakita ko lang rin sa cargo pants ko nang kalkalin ko ang mga bulsa niyon dahil iyon ang suot ko nang makapunta dito.

Sinindi ko ang lighter para kahit papaano ay may magamit akong ilaw pabalik sa silid pero napa atras ako nang bumungad sa harap ko ang lalaking nag ngangalang Elias. Naka salamin siya at inosenteng naka tingin saakin at bumaling ng tingin sa lighter na hawak ko.

"B-binibini," mahina niyang sabi. Seryoso ko siyang tinignan sa mukha.

"Umalis ka sa draaanan ko," utos ko at inismiran siya. Napakurap naman siya at agad na tumabi ngunit nabunggo ng kamay niya ang baso sa tabi ko. Muntik na iyong mahulog sa sahig kung hindi ko lang nasalo. Tarantadong—

Kapwa kami naka hinga ng maluwag at napatingin sa isa't-isa. Paniguradong kapag nahulog iyon ay makaka likha ng malakas na ingay na magpapa gising sa lahat. Baka mamaya kung ano pa isipin nila na ginagawa namin dito sa kalahitnaan ng gabi.

  "S-salamat," nauutal niyang sambit at inayos ang salamin. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ah, Sandali binibini...maaari mo ba akong ilawan sandali?" Nahihiya niyang sabi. Tumango ako at sinundan siya papunta sa banyo. Napahinto naman siya at muling tumingin sa lighter ko. Nangangawit na ang daliri kong ihold iyong apoy niya.

HEARTLESS SERIES: EvielleWhere stories live. Discover now