KABANATA 24

54 4 0
                                    

"ALONZO, palagi mong tatandaan kung ano ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal"

Iyon lagi ang katagang sinasabi ni Rolando sakaniyang anak na si Adan.

Ang tunay na pagmamahal ay hindi makasarili, ito ay pagpapalaya, pagsasakripisyo, at pag tanggap.

"Ama, sa tingin mo? Magkakaroon ba ako ng mabuting asawa na katulad ni ina balang araw?" Tanong nito sakaniyang tatay havang sila ay abala sa pag papatulis ng palaso.

"Iyon ay kung magiging mabuti ka rin sa mapapangasawa mo" sagot nito.

"Ama, hindi ko nais mag asawa" sambit nito dahilan upang lumingon sakaniya ang ama.

"Hindi ko nais mawalay sainyo ni ina. Paano kung tumanda na kayo? Sino mag aalaga sainyo kung nag asawa kami pareho ni Criselda? Hindi naman ako maaaring nasainyo palagi sapagka't may sarili na akong pamilya kung ganoon" paliwanag niya.

Sandali siyang pinagmasdan ng ama ay bahagya itong natawa, "Alonzo, bilang iyong ama ay natutuwa ako sa kung paano mo ipakita ang pagmamalasakit mo saamin ng iyong ina ngunit, hindi namin nais maging hadlang sa kung ano ang nais mong tahakin sa iyong buhay. Kung ano man ang kaya mong maibigay saamin balang araw ay malugod naming tatanggapin. Hindi mo kailangang i-alay ang iyong buong buhay at responsibilidad para saamin ng iyong ina, mas magiging masaya kami kung ikaw ay lubos na masaya" tugon nito sakaniya.

Sandaling hindi naka imik si Alonzo hanggang sa mag salita muli ang kaniyang ama.

"Natutuwa ako dahil lumaki ka ng ganiyan, aking anak. Naikwekwento saakin ng iyong ina kung paano ka maging mabuting kuya saiyong kapatid at kung paano mo siya tulungan sa tuwing wala ako dahil sa pangangaso. Kung kaya't laging magaan ang loob ko kahit malayo ako sainyo sapagka't kampante ako...kampante ako dahil nariyan ang malakas at mabuti kong anak!" Malugod niyong wika na kinatuwa ni Alonzo.

TUMULO ang butil ng luha ni Adan habang nakatitig sa maliwanag na buwan. Kalaunan ay naramdaman niya ang pag-upo ni Diego sakaniyang tabi.

Sariwa ang ihip ng hangin sa gabi habang ang mga tuyong dahon sa puno ay nagsisilagasan.

"Isang taon na ang naka lipas, umaasa ka pa rin bang babalik siya?" tanong nito. Pinahid ni Alonzo ang kaniyang luha at ngumiti sa pinsan.

"Nangako si ama na siya ay babalik, hihintayin ko siya" sambit niya habang si Diego naman ay taimtim na pinapakinggan ang bawat hinaing niya.

Ngunit...ilang taon na ang nakalipas ay hindi na bumalik ang kaniyang ama.

"DIEGO! Takbuhin mo papunta roon!" Sigaw ni Alonzo sabay kuha ng makapal na tali sakaniyang likuran at hinagis iyon sa kinaroroonan ng pinsan.

Agad namang lumukso si Diego upang kuhanin ang tali at pinulipot iyon sa baboy ramo na naka-wala sa patibong nilang nauna.

"Ayos!" Tuwang-tuwang sambit ni Alonzo at lumapit kay Diego saka ito yinakap sa leeg.

"Ang asim mo, Adan!" Singhal ni Diego dahilan upang humalakhak siya at bitawan ang pinsan. "Kung kaya't walang nagkakagustong binibini saiyo, eh!" Kantiyaw pa nito sabay tawa.

"Hindi naman, ah!" Pag-amoy ni Alonzo sakaniyang sarili ngunit pinandirian lamang siya ng tingin ni Diego.

"ADAN! Diego!" Agad na yumakap si Aling Susan sakanilang dalawa, agad naman yumakap si Diego pabalik ng may ngiti sa labi.

HEARTLESS SERIES: EvielleOnde as histórias ganham vida. Descobre agora