KABANATA 3

86 13 4
                                    

PIGIL hininga akong nakatingin sa patalim na nakatutok sa'king bewang, kumunot ang noo ko at sinikap na maging kalmado bagaman hindi ko maitatago ang kaba. 

"Anong ginagawa mo?" seryoso kong tanong. Ilang segundong walang kumibo saamin ngunit naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya saaking braso kaya lalo akong nagtaka.

 Sinubukan kong lumingon ng maingat at napagtanto kong nakatitig siya sa bintana kung saan may isang hindi ko maipaliwanag ang itsura na nilalang, marahil ay isa rin iyong aswang. 

Tumingin siya saakin dahilan para mag salubong ang aming tingin, mata niya lamang ang nakikita ko dahil sa dilim. "Hawakan mo" bulong niya at dinikit sa palad ko ang kutsilyo, para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan sa pag aakalang may masama siyang intensyon. 

Kinuha ko ang kutsilyo at humakbang upang makalayo sakaniya ngunit napatigil ako nang marinig ang paglingon ng mga aswang sa bintana, animo'y napakalakas ng kanilang pakiramdam na maging pag-hinga ko ay maririnig nila.

Nagkatinginan kaming muli ng lalaki at parehong napaatras sa gulat nang kumalabog ang pintuan. 

Napahawak ako ng mariin sa kutsilyo nang kumalabog iyon ng dalwaang beses at kalaunan ay sunod-sunod na ang pagkalabog niyon, narinig ko rin ang mga hiyawang nakakatindig ng balahibo mula sa labas  na aanimo'y kinakatay ang kanilang laman. "Tumakbo ka" mariiing saad ng kasama ko habang tahimik naming inoobserbahan ang muling pagka wala ng kalabog sa labas.

Inilibot ko ang tingin sa loob at naaninag ko ang isang pintuan ng isang silid, "Magtago ka sa silid na iyon---"

Kapwa kaming napalingon sa malakas na pagka sira ng pintuan at pagpasok ng mga nakakatakot na itsura.

Puno ng dugo ang bunganga na may nakasabit pang gutay-gutay na balat at  karne ng tao, halos tumayo ang lahat ng balahibo ko nang makita ko rin ang mga naisamang laman loob—intestine ng tao sa paa ng halimaw na napisa na dahil sa pag apak nito,  habang ang loob ng bunganga nila ay kulay itim.

Narinig ko ang pag putok ng baril at malalakas na kalampag, napatalon pa ako sa gulat nang tumalsik ang sariwang dugo sa mukha ko, hindi ko alam kung saan galing, animo'y tumalsik pa iyon sa loob ng bunganga ko at nalasahan ng aking dila.

"Takbo!" sigaw ng kasama kong lalaki, awtomatiko akong tumakbo paikot  sa mga bookshelf, narinig ko ang mga kalampag, sigaw at malalakas na pag atake ng lalaking iyon  sa mga halimaw.

Napa hiyaw ako nang bumungad sa mukha ko ang mukhang kulubot, matatalas na ngipin na kulay dilaw, berde at nababahiran ng pulang dugo! Sinubukan ako nitong abutin ngunit agad kong winaasiwas ang maliit na kutsilyo at tinusok iyon sa kaniyang ulo, agad ko rin iyong hinugot pabalik at napanganga sa gulat. Halos naririnig ko na rin ang malakas na tibok ng puso ko at ang buo at malamig kong pawis.

Agad akong tumakbo papunta sa silid na pagtataguan ngunit napalingon ako sa lalaking matapang na sinsalubong ang mga halimaw. 

"Pumasok ka na!" Sigaw niya ngunit nanatili akong nakatayo  at nakahawak sa doorknob. Paano siya? Niligtas niya ang buhay ko, hindi ko siya pwedeng iwanan!

"Pumasok ka na!" sigaw niya muli at sa pagkakataong iyon ay natumba siya sa harap ng halimaw, isinangga  niya ang malaking patalim at nag sumamong pumasok na ako.

Agad kong inikot ang doorknob, lumakas ng triple ang tibok ng puso ko nang mapagtantong naka lock iyon! Muli akong napatingin sa lalaki at ilang beses na inikot-ikot ang door knob upang piliting mabuksan iyon. "May tao ba diyan?! Buksan niyo 'to!" sigaw ko at kulang na lamang ay gibain ang pinto upang mabuksan iyon.

Muli akong napalingon at nakita ang mga halimaw na papalapit saakin. Muli kong pinilit na buksan ang pintuan, "Paki-usap, bumukas ka na!" sigaw ko at kinalabog ang pintuan. Ilang mura ang kumawala sa bibig ko habang pilit iyong buksan.

HEARTLESS SERIES: EvielleWhere stories live. Discover now