KABANATA 11

40 6 0
                                    

"AHHH!" Naalarma ako nang sumigaw si Adan habang tumatakbo. Napukaw rin agad ang atensyon ni Elias at Diego sakaniya. Maging ang mga ibon na nagtatago sa puno ay napa-lipad dahil sa laki ng kaniyang bunganga.

Hindi siya mapakali, tumatalon pa siya at ginigiling ang katawan na parang hibang tsaka tumatakbo na animo'y iiyak na sa takot!

"Alonzo!" Sigaw ko at hinabol siya ngunit patuloy lamang siya sa pagtakbo.

"WAHHHHH!" sigaw niya pa at animo'y batang hinahabol ng maligno!

"H'wag kang tumakbo!" Sigaw ko sakaniya at tumingin kila Diego para humingi ng tulong.

"Ahh!—" natigilan siya nang hawakan siya ni Elias sa braso.

Agad naman akong lumapit sakanila, "Anong nangyari?" Nag aalala kong tanong at bahagyang hinawakan ang mukha ni Alonzo na naiiyak na sa takot. Namumula rin ang buo niyang mukha at nanlalamig ang mga kamay.

"L-Li..." Nanginginig niyang sambit.

Nangunot ang noo namin ni Elias. Nagulat kami nang lumapit si Diego at may inalis sa bandang batok ni Alonzo.

"Lintaaaa!" Halos umiiyak na sigaw ni Alonzo nang makita ang lintang hawak-hawak ngayon ni Diego na busog na busog sakaniyang dugo.

Nagulat ako nang bumagsak si Alonzo, mabuti nalang dahil nasalo namin siya ni Elias.

Nahimatay ata siya dahil sa takot.

"Takot siya sa linta," sambit ni Diego na katatapos lang patayin yung linta gamit ang posporo.

"Anong gagawin natin sakaniya?! Gumising ka Alonzo!" Halos sampalin ko siya nang sabihin ko iyon.

"AH!" gulat na sigaw ni Adan nang buhusan ko ng malamig na tubig galing sa ilog ang kaniyang mukha.

Kinikilabutan ang mukha niyang lumingon sakaniyang batok.

"Wala nang linta!" Sambit ko at napa-iling habang tumatawa.

Napa tingin siya saakin na namumula ang mulat na mata, parang naalimpungatan wala pa sa sarili. Lumapit ako sakaniya at tinapik ng marahan ang pisngi niya ngunit nakatulala lamang siya saakin.

"Hoy," sambit ko sabay saampal ng malakas.

"Aray!" Daing niya at napa hawak sa pisngi sabay tingin saakin. "Sakit no'n, Evyel!" Nakanguso niyang sabi.

Tinawanan ko lang siya at umupo sakaniyang tabi.

"Mabuti naman at gising ka na," sambit ni Diego.

"Tara na, ang ibon nalang ni Diego at Alonzo ang iluto natin pagkatapos ibenta 'yung baboy ramo" sambit ko.

"Ibon nila?" Biglang singit ni Elias sa usapan at bahagya pang inayos 'yung eyeglass niya.

"Anong ibon? Bakit ang ibon ko? Bastos ka Eva!" Singhal ni Adan. Nangunot naman ang noo ko kasabay nang pag tawa ni Elias at Diego.

"Anong bastos roon?!"  Kunot noo kong tanong, hindi ko maiwasang pagtaasan sila ng boses.

"Kasi daw...'yung ibon," tatawa-tawang sambit ni Elias at agad ring tinikom ang bibig.

Sandali akong napa isip ng malalim saka ko nagets.

Bigla ko tuloy naalala yung Don't touch my Birdie na sabi nila Zarniah ay may ibang meaning daw yon.

"Kaya pala don't touch my birdie," sambit ko.

"Ano?!" Tanong ni Alonzo at tumayo.

"Yung kanta!" Sambit ko.

HEARTLESS SERIES: EvielleWhere stories live. Discover now