KABANATA 23

41 3 4
                                    

"HINDI ka muna ba papasok?" Dinig ni Diego ang tinig ng kaniyang ina mula sa labas ng bahay kubong kanilang tinitirhan.

"Ako'y may aasikasuhin pa," malamig nitong saad. "Sapat naman na ang mga saliping aking binigay, hindi ba?" Tanong nito na agad sinang-ayunan ni nanay Fei; ina ni Diego.

Bagaman nang hihina si Diego dahil sa mataas na lagnat ay sinikap niyang bumangon upang maabutan si Don Eenesto.

"Diego, anak!" Suway sakaniya ng ina nang makalpit ito sakanila, may sakit pa ito kung kaya't hindi dapat siya lumalapit sa mga panauhin at baka'y makahawa pa siya.

"Ernesto...siya ang aking anak," nag-aalinlangang pagpapakilala ni Nanay Fei.

"Malugod ko ho kayong makilala," sambit ni Diego.

Seryosong tumingin kay Diego ang Don, "Ilang taon ka na?" Tanong nito, malalim ang kaniyang boses ngunit hindi nakakatakot.

"Anim ho, Don!" magiliw na sagot ni Diego.

Unti-unting inangat ni Don Eenesto ang kamay upang guluhin ang buhok ng bata, "Aking ipagdarasal ang iyong pag galing," ngumiti ng bahagya ang Don, bagay na kinatuwa ng puso ni Diego.

Sinundan ng kaniyang mata ang Don hanggang sa maka-alis ito at mawala sakaniyang paningin.

Nag-iwas ng tingin si nanay Fei at agad na inaya ang anak na pumanhik na sa loob.

"KUNG sabagay! Paano ka nga ba makakapag-aral kung walang susustento saiyo? Hahaha! Wala ka nga palang ama!" Malakas na kantiyaw sakaniya ng isang bata matapos nilang malaman na hindi siya marunong bumasa at sumulat, wala rin siyang lahing kastila at binansagan siyang indio o isang alipin at mangmang lamang.

Kumuyom ang kamao ni Diego ngunit pinilit niyang manahimik.

"Paniguradong nabuntis lamang ng kung sino ang iyong ina dati dahil sa kahaliparutan niya!" Tawa pa ng isa.

"Wala kang tatay!"

Sunod-sunod na halakhak ang narinig ni Diego, hindi siya nakapag timpi at namalayan nalamang niya ang pag bagsak ng kamao niya sa mukha ng bata, makailang ulit niya itong pinag buhatan ng kamay, "May tatay ako! Meron akong ama!" Paulit-ulit niyang sigaw, hindi tinatanan sa suntok ang bata.

Dumugo ang ilong, pasa sa ilalim ng mata, pisngi, putok na labi at halos hindi maka-tayo sa hilo ang bata nang dumating ang mga guardia sibil at magulang ng batang binugbog ni Diego.

"Wala hong ginagawa si Julian! Si Diego ay biglang nanuntok!"

Pinagtulungan ng ibang bata na ilugmok si Diego sa kasalanan, binaliktad, at dinagdagan ng kwento hanggang pinagbantaan si nanay Fei na i-aangat sa korte suprema ang kaso kung hindi nila nabayaran ang perang nagastos sa pag papagamot ng bata.

"Wala na tayong bigas, walang ulam, wala na tayong makain at binabawi na ng Gobyerno ang ating tahanan," naiiyak na sambit ni Nanay Fei kay Diego. "Bakit mo pa kasi pinatulan iyon, Diego?! Wala pa tayong salapi!" Napahawak sa tapat ng puso si nanay Fei at umupo sa silyang kahoy.

Napayuko si Diego at pinaglaruan ang mga daliri, "M-Matagal ho akong nagtimpi inay ngunit, maging ikaw ay kinutya nila---"

"Inisip mo muna sana ang kahihinatnan! Kung hindi ka lumabas ng bahay at nakipag laro sa mga batang iyon, kung sana'y ginugol mo nalamang ang oras sa pagkayod, hindi ito mangyayari!" Tumulo ng bahagya ang luha sa mga mata ng ina. Sa dami ng gumugulo ngayon sakaniyang isip ay hindi na niya kinaya pang huwag mag labas ng sama ng loob.

"N-Nasaan ang ama ko?" Walang pag a-alinlangang tanong ni Diego.

Sandaling natigilan si nanay Fei at tumingala sa anak na nakatingin ng deretcho sakaniya. Kailanman ay hindi nagtanong noon si Diego tungkol sa ama, malinaw kasi na ipinaliwanag ni nay Fei ang pagkamatay ng ama niya kung kaya't hindi niya maunawaan kung bakit bigla itong tinanong sakaniya ng anak. Sinabi ni nanay Fei na namatay si Ruel sa isang aksidente, nadulas siya sa dulo ng ginagawang gusali nang pilitin siyang magtrabaho kahit may sakit, isang polista si Ruel noon.

HEARTLESS SERIES: EvielleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon