KABANATA 21

55 4 20
                                    


TINULAK ako ng sundalo sa loob ng madilim, marumi at makipot na selda. Tumama ang likod at ulo ko sa magaspang at malamig na bato dahilan upang makaramdam ako ng hilo.

Tinaas ko ng bahagya ang ang dalawang paa ko at yinakap iyon, sinubsob ko ang aking mukha sa'king tuhod at doon umiyak muli ng tahimik.

Ngunit kahit gaano pa karaming luha ang ibuhos ko ay hinding-hindi humuhupa ang kirot at sakit na nararamdaman ng puso ko. Sinuntok ko ng makailang ulit ang dibdib ko habang humagulgol hanggang sa namalayan ko nalamang ang sarili kong nakahiga sa naruming sahig habang patuloy pa rin na umiiyak.

Ilang oras ko'ng hinayaan ang sarili sa ganoon habang nakatitig sa kadiliman. Hanggang sa namalayan ko nalamang ang muling pag dating ng gabi.

"W-Wala na ba talaga akong pag-asang makatakas sa dilim?" Wala sa sarili ko'ng tanong habang humihikbi.

"K-Kahit ngayon lang... Hayaan mo akong makalaya at tuparin ang huli ko'ng hangarin," pinikit ko ang aking mata habang taimtim iyong binabanggit.

Hindi ko matanggap na dito ako magwawakas...nang hindi man lang nasusubukan ang kung ano talagang pakay ko sa panahong ito.

"K-Kailangan ko pa'ng mabuhay...para kay Jea" umiiyak ko'ng sabi.

"Paki-usap..." Dagdag ko.

Sa muling pagkakataon ay taimtim ko'ng kinausap ang Diyos. Buong loob akong humingi ng tulong sakaniya habang walang humpay ang pag tulo ng aking luha.

Ilang sandali pa'y narinig ko ang pag tunog ng rehas na para bang bubuksan iyon, hindi ako gumalaw ngunit nagulat ako nang abutin ako ng isang kamay sa'king braso. Napaigtad ako sa gulat ngunit hinawakan niyon ang ilong at bibig ko upang takpan.

Naaninag ko ang pang sundalong uniporme niya dahil sa tanglaw ng gasera na kaniyang dala. Nangunot ang noo ko nang unti-unti niya akong hayaang lumingon.

"D-Don Juanco?"

Tumango siya at tinapat ang daliri sakaniyang ilong upang senyasan akong manahimik. Pagkatapos ay tumayo siya ng tuwid at sinenyasan akong sumunod sakaniya.

Naguguluhan man ay sumunod pa rin ako gamit ang natitira ko'ng lakas. Nagulat ako nang madatnan ang mga tulog na Sundalong bantay sa labas ng kulungan.

"Hija," sambit ni Don Juanco nang makalayo kami ng kaunti.

"May Kabayong naka abang sa dulo ng kalye kung saan mo matatagpuan ang aking pwesto. Natatandaan mo kung saan matatagpuan ang gamot, hindi ba?" Tanong niya dahilan upang unti-unti ko'ng mapagtanto ang nais niya.

Nanlambot ang aking pusong tumango sakaniya ng ilang beses, pinapahid ang luha. "Nawa'y makapag lakbay ka ng maayos at makuha mo na ang gamot," sambit niya.

"Kahilingan ito ni Criselda...Ika'y umalis na" dagdag niya dahilan upang muli kong pahirin ang luha at maka-ilang ulit na nagpasalamat sakaniya.

Pinarating ko rin ang pasalamat ko kay Criselda habang humahagulgol. Agad akong tumakbo paalis at walang sinayang na oras upang makarating sa kabayo.

Mabilis kong pinatakbo ang kabayo dahilan upang malakas na sumalubong saakin ang hangin.

Pupunta ako sa bundok...hahanapin ko ang gamot ng kaibigan ko.

Hahanapin ko ang gamot ni Jea.

LUMIPAS ang araw, at ang araw ay naging linggo.

Isang linggong paglalakbay, walang kain, walang tulog...hanggang sa mapadpad ako sa mga kabahayan sa paanan mg bundok.

"Hija," sambit ni Apo Wandek, ang matandang nagpatuloy saakin sakaniyang tahanan.

Lumingon ako sakaniya, "Ikaw ba'y kumain na ng agahan?" Tanong niya habang naka ngiti at hawak ang isang mangkok na may lamang Arroz caldo.

HEARTLESS SERIES: EvielleWhere stories live. Discover now