KABANATA 20

50 4 19
                                    


"Jea..." 

Nanginginig ang labi ko dahil sa labis na pag-iyak habang nagbabalik tanaw sa masasayang ala-ala naming magkakaibigan.

Sila nalang ang natira saakin...sila nalang...

Paano kung ako rin ang maging dahilan ng kamatayan nila?

Narito ako para hanapin ang gamot ni Jea, para maligtas siya ngunit unti-unti ko'ng napagtatanto na ako lagi ang may kasalanan ng lahat. Dahil sa pados-dalos ko'ng desisyon, dahil sa mga salitang kumakawala sa bibig ko, dahil sa pangingialam ko, dahil saakin...napapahamak ang lahat.

Natigilan ako sa pag-lakad nang makita ang paskil sa isang poste, pinaghahanap ako ngayon ng mga otoridad dahil sa kasong pag-patay.

Mahigpit ang hawak ko sa'king balabal habang unti-unti nanamang nilalamon ng kirot ang aking puso. Mula sa ibang bansa, sa moderno, maging sa panahong ito ay hindi ako nakakatakas sa mata ng batas.

Ganito ba talaga ako kasama?

Kaya ba pinagkakait saakin ang pagmamahal dahil hindi ako karapat-dapat sa bagay na iyon?

Yumuko ako at nagpa tuloy sa pag-lakad hanggang sa marating ko ang herbal shop ni Don Juanco. Binuksan ko ang pintuan at bumungad saakin ang amoy ng mentol na usok mula sa mga pinapakuluang mga dahon.

"Ano ang aking maipaglilingkod?" Tanong ni Don Juanco na hindi tumitingin saakin dahil abala siya sa pagsusulat sa isang makapal na kwaderno.

"Ibigay mo saakin ang eksaktong lokasyon ng gamot" deretchahan ko'ng sambit dahilan upang unti-unti niyang i-angat ang ulo upang tignan ako.

Hindi siya nakapag salita ngunit bakas sakaniyang mukha ang gulat dahil nasa harap niya ngayon ang babaeng mamamatay tao at pinapahanap ng batas.

"I-Ikaw..." Paos ang kaniyang boses at binaba ang pluma. "Hinahanap ka ng batas," sambit niya dahilan upang tumalim ang tingin ng pagod ko'ng mata sakaniya.

"Ibigay mo saakin ang hinihingi ko," sambit ko sakaniya, napalunok siya at napatingin sa paligid, animo'y naghahanap ng guardia.

Humakbang ako ng isang beses at linabas ang kutsilyo saaking bulsa, hinaplos ko ang dulo niyon at tumingin muli sakaniya, "Ibibigay mo o sa kabaong ka huling sisikatan ng araw?" Tanong ko dahilan upang mataranta siya.

"H-Heto... Paki-usap lamang, i-iyong ibaba ang bagay na iyan!" Saad niya ngunit hindi ako nakinig. Lumapit pa ako sakaniya kaya't lalo siyang nahmadali hanggang sa ilabas niya ang isang mapa.

"I-ito...iyan ang lokasyon patungo sa Cordillera, sa bundok ng Kafagway mo matatagpuan ang mga halamang gamot. H-hindi ko lang sigurado kung mayroon ba ang iyong tinutukoy—" hindi ko na siya pinatapos, kinuha ko ang mapa at binulsa ang kutsilyo.

Inayos ko ang aking talukbong saka mabilis na naglakad patungo sa ibang direksyon kung saan hindi ako masusundan ng mga guardia Civil.

Nasa Ilocos sur ako, malayo pa ang lalakbayin ko patungo sa bundok ng Kafagway.

Bakit pa ba ako napunta sa lugar na ito kung babalik rin lang ako sa 19thcentury, Baguio.

Huminga ako ng malalim at tinupi ang mapa na naninilaw na ang kulay, napatingin ako sa haligi ng mga kalye upang mag-isip.

Isang araw na akong hindi kumakain ngunit tila'y hindi ako nakakaramdam ng gutom. Totoong nanghihina ako dahil sa nga nangyari, mga ala-ala...ngunit hindi ko ma lang nararamdaman ang pisikal na pangangailangan ko.

Patuloy ako sa pag lakad sa gilid ng mga kalye hanggang sa mapahinto ako nang tumigil ang lilipad na diaryo saaking harapan. Isang pahayag tungkol sa Inglatera...

HEARTLESS SERIES: EvielleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon