Prologue

1.3K 18 3
                                    

"Ang ganda rito!" Sigaw ko habang nakatingin sa payapang alon ng dagat.

Ang kambal ko ay agad na ngumiti sa akin dahilan upang mapangiti rin ako.

"Sana araw-araw ko itong masilayan." Malungkot niyang sabi dahilan upang mawala ang ngiti sa aking mga labi.

"P-pwede naman! Huwag kang mag-alala at ipapasyal kita rito araw-araw!" Pilit pinapasigla ang boses kahit na nanunuyo na ang lalamunan ko.

"Talaga? Ilang araw na lang kaya?"

Nangilid ang luha ko. "Kiera," garalgal ang boses ko nang isatinig ko iyon. Narinig ko ang mahihina niyang hikbi.

"G-gusto ko riyan ang laya ko. I-cremate niyo ako h-huh?"

"Kiera!" Saway ko habang umiiyak na rin. Mas lalo ko siyang niyakap. "H-huwag kang magsalita ng ganyan!"

"Haina..." Bulong niya habang humihikbi pa rin sa yakap ko.

"H-huwag kang magsalita ng ganyan!" Sigaw ko ulit.

Napapahikbi ako habang nakapikit at dinadama ang mainit niyang yakap. Ayokong tanggapin ang sinasabi niya dahil hindi mangyayari iyon!

"M-magtapos ka...tuparin mo ang p-pangarap nating dalawa..."

Sariwa pa rin sa ala-ala ko ang sinabi ni Elyse. Ang huling habilin niya bago siya nawala.

Tutuparin ko 'yon. Tutuparin ko kahit anong mangyari.

Natanggap ako bilang iskolar ng isang prelihiyosong unibersidad sa Manila. Balita ko ay maraming mga mayayaman na nag-aaral dito. Bilang lang ang mga iskolar kagaya ko kaya naman ang bilin sa akin ng isa sa mga matalik ko na kaibigan sa probinsiya ay mag-iingat ako at huwag na lamang pansinin ang mga ito. Panatilihin ko raw ang pagiging invisible ko sa mga mata nila para hindi raw ako mabully. Iyon naman talaga ang gagawin ko.

Takot ako sa away. Hindi ko alam kung paano ipagtanggol ang sarili ko. Hindi ko alam kung paano lumaban...

"Good morning, what can I do for you?" Malamyos na tanong ng isang medyo may katandaan na babae.

Ngumiti ako ng hilaw. "Magtatanong lang po sana kung may pinapamigay po ba kayong map?"

Napatitig ang babae sa akin bago bumaba sa dala-dala kong malaking bag, hindi ito 'yong maleta kaya buhat-buhat ko ito.

Kumunot ang noo niya at tumayo. "That's heavy!" Sabi niya at nagtakip sa bibig. May tinawag siyang lalaki kaya naman nagtataka ko silang tiningnan. Kinuha ng lalaki ang bag ko kaya agad akong umalma.

"Bag ko po 'yan!" Hindi ko napigilang sigaw. Andoon kasi ang lahat kong gamit. Hindi nila pwedeng kunin 'yon!

"Oh no darling, he'll send you to your dorm."

Napakagat labi ako dahil nahiya sa inakto. Tiningnan ko ang lalaki na manghang nakatitig sa akin bago napangiti at umiling-iling. Napanguso ako at nag-iwas ng tingin.

"Ganoon p-po ba? Kaya ko naman po...m-map lang po talaga ang hihingin ko po sana." Hindi ko na muling sinulyapan ang lalaki dahil ramdam ko ang mabibigat niyang titig.

"Na-ah." Agad na umiling-iling ito at tinuro ang lalaki. "He'll send you there, I know that bag's heavy. At dapat ay hindi ka nagbubuhat ng mabibigat. You're a lady!"

"Ayos lang naman po. Sanay po ako."

Umiling siya. "No. Sige na at para makapag-ayos ka sa mga gamit mo. Bukas ay umpisa na ng klase." Ngumiti ito at inabot sa akin ang maliit na papel, kung saan may nakaprint na map. "Oh! Dapat ay sa cellphone mo nalang hija." Suhesyon niya.

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon