Chapter 31

344 7 0
                                    

"Thank you so much, hija! Feel at home." Niyakap ako ni Tita Naih.

Napangiti ako ng hilaw at hinayaan ang mga kasambahay ang magdala sa mga maleta ko roon sa kwarto ko kuno. Sa katunaya'y ayoko naman talagang lumipat pero si Tita Naih kasi...araw-araw akong binibisita, kulang na lang ay roon siya tumira sa dorm kaya naman nahihiya ako dahil baka may mga kailangan siyang gawin pero dahil nag-aalala siya sa akin ay lagi siyang bumibisita sa akin. Wala naman sanang kaso sa akin dito tumira pero kasi...baka andito si Hiro, nakakailang. I confessed to him before and come to think of it...magkapatid pala kami!

"You should rest now hija." Bago pa ako tumango ay may pahabol pa siya. "Hija, I'm sorry but..." Nag-alangan siyang magtuloy sa pagsasalita. "This is a sudden invitation...the Ylaya's will throw a party tomorrow and they invited us. Isasama sana kita, if that's okay with you...hindi naman kita pipilitin hija pero kasi mas maganda kung samama ka para naman masanay ka at makikila ng iba."

Nagulat ako dahil biglaan nga ito. Hindi pa ako nakakapunta sa mga events ng mga mamayan. Hindi rin ako familiar sa apelyidong iyon.

"It's okay if you don't want to come hija, alam ko namang naninibago ka pa."

Umiling ako. Kung para rin naman ito sa negosyo ni Lolo ay ayos lang. Siguradong kapag ako na ang namahala sa mga negosyo ni Lolo ay madalas ang events na pupuntahan ko. I've read a lot of stories that mentioned about gatherings, this can help my social life. Kung dati ay mailap ako sa mga tao ay dapat ngayo'y hindi na. Everything will change, everything should change as I am now in my different world and life.

"I'll go po."

Masaya siyang tumango. "Thank you hija!"

Pumasok ako sa isang room na may simple at malinis na loob, this is the room I want. Just plain and simple. I don't like over decorated wall, I found it crowded and difficult to breathe.

Kinabukasan nga ay isinama ako ni Tita sa isang botique. Pinilit niya akong bilhan ng mamahaling damit para sa party mamaya.

"You're stunning anak! Grabe, I still can't believe na magiging anak na kita...nakakahiya na dati'y gusto kitang ireto kay Brixx, iyong anak kong bunso tapos--nevermind. Bagay na bagay sa 'yo ang gown hija, siguradong luluhod ang tala." She joked.

Natatawa kong tiningnan ang sarili sa salamin.

"Luluhod ang mga tala hija, ilang taon ka na nga?"

Napalingon ako sa designer at ngumiti.

"I'm 18 po."

"18?! You look like a fifteen year old girl!"

Tipid akong ngumiti. That's probably because I have a baby face. Some people wrongly addressed me as a minor because of my face. Hindi ko alam kung baby face ba ito o talagang bata pa ako, baka naman namali sa birth certificate? Just kidding.

Matapos naming magshopping ni Tita ay sinabi niyang matulog ako dahil magdamag daw ang party. Medyo kinabahan ako dahil kinabukasan n'yon ay may pasok kami. Sinabi ko na lang kay Tita na I can't finish the party, masyadong kukulangin ang tulog ko.

"Yamera! Gaga ka," bati ni Tita Naih kay Tita Yamera. Napatingin ako kay Tita Yamera at agad itong lumapit sa akin, hindi pinansin si Tita Naih.

"Sobrang ganda mo hija! Hindi ko akalaing tuluyan ka nang lalamunin ng kadiliman." Sinulyapan nito si Tita Naih, agad siyang kinurot ni Tita Naih sa braso. Napangiti ako. The friendship I wanted to have, thank God He gave me two.

"Kadiliman ka riyan, dapat pala hindi ko na kinwento sa 'yo lahat! Wala kang kwentang friend!"

"Hiyang-hiya naman sa 'yo, ewan ko sa 'yo." Binalingan ako ni Tita Yamera. "Go have some fun hija, nasa may loob sina Sunshine at Chandria."

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon