Chapter 7

460 8 0
                                    

"Huh? B-bakit? Hindi ako sanay kumanta..." Kinakabahan kong sabi, siguro putlang-putla na ako dahil sa kaba. Hindi ko maintindihan kung bakit nasa listahan ako nang mag-a-audition para sa music club.

"Nasa list ka po kasi ate, bawal na raw pong magback out." Sabi ng SSG officer na pakilala'y secretary.

"Baka naman pwedeng kausapin ang President ng music club?" Pati si Sunshine ay kinakabahan para sa akin.

Talagang hindi ako sanay, pero kumakanta naman ako iyon nga lang ay sa banyo o kaya kapag ako lang mag-isa.

"Nako, e bawal nga po ate. Kami po ang mapapagalitan. At saka audition pa lang naman po ah? Hindi pa naman po mismong sa stage siya kakanta. Sige na po, pinapatawag na po kasi ang mga mag-a-audition."

Napabuntong hininga ako at tumingin kay Sunshine. Tinapik niya ang kamay ko at ngumiti ng pilit.

"You can do it, Haina. Hindi ka naman siguro ililista kung wala kang maibubuga."

"Paano kung napagtripan lang ako?" Ang kaba ko ay dumoble dahil sa naisip. Masyado akong nabubully nitong nakaraang buwan, kaya naman siguro iyon pumasok sa isip ko.

"Oh my gosh, sana hindi bebe."

Kabang-kaba ako habang nakaupo sa may labas ng music room. Dito kasi nakaabang ang mga mag-a-audition dahil isa-isa lang ang pwedeng pumasok sa loob. Wala akong kakilala kaya naman taimtim na lamang akong nagdasal na sana konti lang ang nasa loob.

"Ang dami natin 'no?" Tanong sa akin ng lalaking katabi ko. Napangiti ako ng hilaw.

"O-oo nga po eh."

"Kumakanta ka ba? May facebook page or youtube channel?" Tanong niya tila'y gustong pahabain ang usapan namin.

Napatingin ako sa kanya na nagtataka. Kailangan bang may ganoon?

"Wala po eh, kailangan po ba 'yon?"

Napaawang ang labi niya. "Nakakapagtaka lang kasi karamihan sa mga mag-a-audition dito ay sikat sa facebook, tiktok or kaya sa youtube. Sa mukha mo pa lang patok na sa masa e, paano pa kaya kung may kasama pa'ng pagkanta?"

"W-wala ho kasi akong cellphone kaya hindi po ako updated sa mga app na 'yan lalo na po sa mga uso ngayon sa social media."

Napangiti siya at nilahad ang kamay. "I'm Joss nga pala, 1st year college. Mag-a-audition din dito."

"Haina po." Pakilala ko at inabot ang kamay niya. "Sana po makuha ka."

"Ikaw rin."

"Ay huwag po--"

Nagulat siya sa sinabi ko kaya naman napaawang ang labi niya. Ako naman ay napaiwas ng tingin at tinikom ang mga labi, nahiya sa sinabi.

"Anong huwag? Ayaw mo? Eh hindi ba kaya ka nga mag-a-audition dahil gusto mong makuha?" Lito niyang tanong.

Umiling ako. "Nilista lang po ako pero hindi ko alam kung sino po ang nagpalista sa ak--"

"Haina Syria Quintero?"

Napasinghap ako at kinakabahang napatingin kay Joss.

"Ako na." Nanlulumo kong sabi at napahawak sa batok ko. Feeling ko mapapahiya ako, hindi ako confident na kumanta lalo na dahil nahihiya ako!

"You can do it, Gorgeous!"

Napapikit ako at pinatatag ang loob. Isang kanta lang...isa lang at okay na, makuha man o hindi,  ayos na 'yon.

Nagkandabundol-bundol ang puso ko sa ribs dahil sa sobrang kaba. Nagtataas baba ang dibdib ko at hindi na matigil dahil sa pamimintig at kabog. Kulang na lang ay takasan ako at hindi na balikan ng puso ko.

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon