Chapter 17

394 9 0
                                    

"You're avoiding us." Matigas na sabi ni Chandria huling araw ng foundation week nang masaktuhan nila akong nagbabantay sa booth namin.

"C-chandria, h-hindi sa ganoon--"

"And now you're lying? I thought we're friends?"

"O-oo nga, magkaibigan nga ta--"

"Pero bakit parang hindi?! You didn't even find ways to talk to me! Kahit ako na lang, Haina--"

"Chandria..." Putol ko at hinawakan ang kamay niya, pinisil ko iyon at ngumiti ng pilit. "Huwag ka nang magtampo, last day na 'to kaya dapat sulitin na natin--"

"Ikaw kasi!" Pinalo niya ako gamit ang isang kamay at sumimangot. "Nakakainis ka!" Mataray na ulit ang boses.

Natatawa ko siyang niyakap. "Sorry,"

"Hmp, kainis." Inis pa rin nitong sabi pero agad naman akong hinatak palayo sa booth namin. "Doon tayo sa MTV booth."

"Meron?" Natutuwa kong tanong. Namiss kong kumanta.

"Yep!"

Pagdating namin doon ay konti lang ang tao. Pero natigilan ako nang makita si Hiro...kasama si Yuna? Yuna, si Sunshine ang nagpakilala sa akin. Iyon 'yong babae na nakabungguan ko sa hallway. Siya pala 'yong ex ni Hiro...

"Gorgeous! Sa wakas..."

Napatingin ako sa kakapasok lang din at kumakaway. Mabilis ko itong nakilala at kumaway rin.

"H-hi Joss."

Inabutan niya ako ng rosas, iyong nakaplastic. Napangiti ako, ang ganda kasi.

"Don't tell me...kayo na?!" Biglang hiyaw ni Chandria kaya agad nanlaki ang mga mata ko.

Umiling-iling si Joss pero natatawa kaya hindi agad naniwala si Chandria. Nilapitan ako ni Chandria at kinurot sa tagiliran.

"Bumigay ka sa pangit na 'to?"

"Hoy, grabe 'to. Ang gwapo ko kaya--"

"Haina naman! Ang pangit naman nito! Mas gwapo pa si Hi--"

"Huh?" Taka kong tanong dahil natigilan siya. Tinikom niya ang bibig niya at umirap sa akin.

"Hoy miss, gwapo ako! Ako ang pinakagwapo sa department namin." Giit ni Joss.

"Asa ka! Pangit mo."

Umasim ang mukha  ni Joss pero nang mapatingin sa akin ay agad siyang ngumiti at lumapit sa akin.

"Mabuti na lang maganda ang katabi mo." Sabi niya kay Chandria at ngumiwi.

"Excuse me?" Angil ni Chandria.

Napabuntong hininga ako at agad silang inawat. Mukhang magsusuntukan na sila e.

"Tama na 'yan. Salamat dito Joss." Ngiti ko at inamoy ang bulaklak.

"Mabaog ka sana." Rinig kong bulong ni Chandria. Pinandilatan ko siya.

"Uhugin ka sana."

"What?!"

Hinatak ko na si Chandria palayo kay Joss at kumaway kay Joss upang paalam.

"Sama!" Sigaw nito at humabol pa sa amin. Napabuntong hininga ako at hinayaan na lamang siya.

"Chan!"

Natigilan ako sa paglalakad dahil sa tumawag kay Chandria. Si Yuna...

Kumunot ang noo nito nang mapatingin sa akin bago lumiwanag ang mukha.

"It's you!" Bumaling ito kay Hiro at hinawakan ang braso nito. "Siya 'yong tinutukoy kong babae na nakabungguan ko sa hallway!"

Nagkasalubong ang tingin namin ni Hiro. May dumaang emosyon sa mukha niya pero agad ding sumeryoso at binaba ang tingin sa hawak kong bulaklak.

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon