Chapter 27

362 9 0
                                    

"Sorry talaga Haina bebe, gigil na gigil kasi ang mga magulang ko kaya naman agad ang uwi ko! Ikaw ba naman sunduin ng private plane makakahindi ka pa ba? Bebe, stress na stress na ako! Gusto ko nang makita si Trey...kaso peste kasi...itutuloy nila mommy ang kasal ko sa lalaking hindi ko kilala! Tapos mamaya makikita ko na siya..." Narinig ko ang paggaralgal sa boses niya sa kabilang linya.

Napakagat labi ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ako magaling magcomfort kaya naman nanatili na lamang akong tahimik at nakikinig.

"Kung nagkakamabutihan sana kami ni Trey...siguro may lakas loob pa akong umatras 'no? Pero..." Nabasag ang boses niya. "hindi...at hinding-hindi na."

Napatitig ako sa kisame at napaisip na siguro nga tama si Sunshine. Kung nagkakamabutihan sila ni Trey ay baka pa lumaban siya pero hindi e, may girlfriend na si Trey at pinutol na nito ang ugnayan nila ni Sunshine 5 months ago. Akala ko nga nagkakamabutihan sila dahil okay naman sila noon, bigla na lang nagbago si Trey at lumayo kay Sunshine tapos nabalitaan na lang namin na may nililigawan na ito hanggang sa sinagot ito ng babae. Iniyakan iyon ni Sunshine at sa akin ang takbo niya.

"Sunshine! Fix yourself, aalis na tayo!" Narinig ko sa kabilang linya.

"Sunshine?" Tawag ko dahil umiiyak pa rin ito. "Magiging maayos din ang lahat, huwag kang mag-alala at kapag nakabalik ako riyan bibisitahin kita ha? Sige na, mag-iingat ka riyan."

"H-hindi ko kaya Haina! A-ayoko...please...tulungan mo a-ako."

Nangilid ang luha ko at kinalma ang sarili. Kung pareho kaming iiyak lang ay walang mangyayari, dapat ay maging malakas ako para sa kanya.

"S-sunshine..."

"H-haina...ayoko..." Naputol ang tawag kaya naman nagpanic ako. Baka kung anong mangyari sa kanya!

"Where are you going?" Pagbukas ko ng pinto ay siya namang bungad ni Hiro na nakahoodie at mask habang may bitbit na ice cream. "What happened?"

Nilapitan ako nito at tinitigan ang mukha ko. Yumuko ako, baka makita niya pang umiiyak ako.

Natataranta ako at hindi ko alam kung anong gagawin! Ang unang pumasok sa isip ko ay pumuntang Manila pero wala naman ako sa tamang pag-iisip! Walang barko na lalayag ngayon, walang slot at ticket!

"S-si Sunshine kasi...baka kung a-anong gawin niya, nag-aalala ako..."

Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin at nilapitan ako. Marahan niyang inangat ang baba ko at pinunasan ang mga luha ko gamit ang palad niya. Nakatingin siya sa akin habang malamlam ang mga mata, para siyang inaantok.

"What do you want to do then?" Malamyos na tanong niya.

Napatitig ako sa mga mata niya kahit na hilam ng luha ang mga mata ko.

"G-gusto ko nang bumalik sa Manila..."

Matagal bago siya tumango. "And then what?"

"S-sisiguraduhin ko lang n-na ayos lang siya..."

"Can we just call her again tomorrow or maybe later? You still have fever and you should rest." Hindi nagbabago ang tono niya, malambing pa rin 'yon.

Marahan akong tumango.

"H-hiro...iiwan mo b-ba ako?"

Binaba niya ang kamay mula sa pisngi ko patungo sa leeg ko at marahan akong kinabig palapit sa kanya at niyakap.

Hindi siya sumagot. Walang sagot akong natanggap. Anong ibig sabihin nito?

"Sa ating dalawa, ikaw ang may tansiyang mang-iwan..."

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon