Chapter 40

342 9 2
                                    

"Ngayon na talaga?" Kinakabahan kong tanong kay Hiro makalipas ang tatlong linggo kong pagsasama sa kanya sa kompanya, na kompanya pala ni Lolo. This is the largest business he has, it's car business.

Ngayon na kasi 'yong interview ng isang media. Next week pa ang release ng interview na ito. Ang alam ko ay mamayang gabi naman ay may party sa isang resort, nagpahanda si Tita para sa pagpapakilala sa akin. Imbitado ang lahat ng mga taong kasakop ng kompanya nila at ni Lolo. Masyadong maraming mga bigatin at tycoon.

I'm really nervous, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ng lahat. Lalo na't matagal nang patay ang issue tungkol sa mga magulang at Lolo ko.

"Yes," inayos niya ang neck tie niya. Actually, dito na siya sa mansion naglalagi. Ang katwiran niya ay para nasasabay niya ako sa pagpuntang building kahit na may driver naman ako. "Mom and Brixx will arrive later in the company."

Napaawang ang labi ko at agad na natuwa.

Tinaasan niya ako ng kilay nang makitang nakangiti ako.

"Brixx's with his girlfriend." Agad na gatong niya.

Kumunot ang noo ko. "So?"

He shrugged. "Tie up your hair."

Kinapa ko ang buhok kong nakalugay. Dahil nga curly ay may mga baby hair na nasa harapan at para itong disenyo kaya naman magandang tingnan, hindi ko lang alam kung bakit gusto niya akong magtali ng buhok eh mas bagay itong lugay ko na buhok sa akin.

"Bakit? Okay na 'to." Depensa ko at sinuklay pa ang buhok gamit ang mga daliri.

His face become dark. Pinalobo ko ang pisngi at ngumuso. He sighed and looked away.

"Mas bagay sa akin 'to." Dagdag ko pa.

Kinuha niya ang susi at tiningnan ulit ako.

"That's the problem," hindi ko nakuhang intindihin ang sinabi niya dahil nauna na itong lumabas.

Nakanguso akong lumabas at sumunod sa kanya sa Lambo niya. Yabang. Bagong bili niya ito last week at ngayon lang ata niya magagamit na kasama ako.

Nakarating kami sa company na nakabusangot ako. He forced me to tie up my hair, it's not that bad but...I really like my hair without tying it. Kulot na bagsak kasi siya at magandang tingnan kapag nakalugay.

Nakarinig ako nang sumipol kaya kumunot ang noo ko. Naiimagine ko lang siguro. Natigilan ako nang huminto si Hiro at kunot noong niyuko ako. Napatingin ako sa sarili, bakit kaya?

Natigilan ako nang hapitin niya ako gamit ang isang kamay habang nakakapit sa bewang ko 'yon, namamahinga. Napaawang ang labi ko, nakarinig rin ako nang singhapan. Hindi naman siya ganito nitong mga nakaraang linggo! He's too professional that he doesn't care about what people might think basta lang makapunta sa office niya. Pero...anong naisip niya at gumaganito siya?!

"Good morning, Mr. Saldivar. The media are waiting."

Hiro nodded and looked down at me. I sighed and smiled a bit. I can do it.

Humugot ako nang malalim na hininga bago pumikit, narinig kong binuksan na ang pintuan kaya sumeryoso ako. Nakasunod ako kay Hiro habang kalmanteng naglalakad. I can feel their stares just like how they looked at us when we are walking towards our chair. Para bang haring kailangang pagtuonan ng pansin dahil baka bigla na lamang bumulagta.

"We're only answering some of the questions, the things that Haina Syria is comfortable to answer."

Napatingala ako kay Hiro, tumingin siya sa akin bago iminwestra ang upuan katabi niya, nauna muna siya bago ako naupo.

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon