Chapter 9

453 7 0
                                    

"Get one whole sheet of paper and do these activities. Please be reminded that I will check your answers individually, make sure that you did not copy your answers on your seatmates and you did not google it." Pabagsak niyang nilapag ang dalang folder. "If I caught you cheating, better drop out than face the consequences. Got it?"

"Yes ma'am!"

"Now Quintero, I would like you to bring their sheets in the faculty. Mr. President," Baling naman niya sa presidente namin na si Hendrix. "Please look for your classmates, I have an errand to attend."

Napatango kami ng sabay ni Hendrix.

"Cheating." Habilin ulit niya at nagbabanta iyon. "No cheating, class. No cheating."

Kinabukasan nalaman na lang namin na kaya pala umalis si Ma'am ay dahil nag sign sila ng divorce paper ng asawa niya. May kabit daw ang asawa niya. Nagtake din ng leave si ma'am kaya pansamantalang wala kaming guro sa english, pero nagkamali ako.

"Open your book on page 57 and answer the following guidelines." Iyon ang bungad sa amin ni Hiro.

Marami akong naririnig na bulungan at impit na tilian. Siguro dahil crush nila si Hiro or dahil wala si ma'am. Hindi ba sila naaawa kay ma'am? Bakit parang mas natutuwa pa silang wala si ma'am, samantalang wala si ma'am dahil nasasaktan ito?

"Do I need to repeat what I said?" Malamig at seryoso niyang tanong.

Napaawang ang labi ko dahil ako na lang pala ang hindi nagbubuklat. Agad kong binuklat ang libro ko at napabuga ng hangin. Muntik na akong mapagalitan! Bakit ba ang dami kong pinoproblemang hindi ko naman dapat pinoproblema? Tabang.

Medyo hindi ako makapag concentrate sa pagbabasa at pag-unawa sa binabasa dahil sa paimpit na tili ng mga babae sa room. Hindi ko alam bakit ganoon sila. Napatingin ako kay Sunshine na para bang naglue na ang mga mata sa harapan, para itong tangang nakatitig kay Hiro. Samantalang seryoso lang si Hiro na nakaharap sa laptop nito, siguro may ginagawa ring activity?

Bakit nga pala siya ang nagbibigay ng gawain namin? Hindi ba college na siya? Paano ang classes niya?

"Ten minutes left."

"Huh?" Bigla kong naitanong. Pangalawang activity pa lang ako! Tatlong activity ito at...masyadong mahirap lalo't hindi ako makapagfocus!

"Got a problem with that Miss Quintero?"

Napakagat labi ako at nag-angat ng tingin sa kanya.

"30 minutes lang p-po ang bigay niyo? Ang hirap po kasi ng activities."

Tinigil niya ang kakaclick sa laptop niya bago tumaas ang kilay sa akin. Tumayo siya at pinasok ang dalawang kamay sa bulsa niya.

Nahigit ko ang hininga ko pero bakit naman ako kakabahan? Nagtatanong lang ako! Kung magagalit man siya...eh 'di magsosorry ako.

"That's not my problem anymore, Miss Quintero."

Kumunot ang noo ko. "Bakit po? Eh hindi ba kayo po ang nagbigay nito? Kayo rin po ang magdedecide sa time, masyado pong mahirap at 30 items each, identification and enumiration. Bale sa isang activity, 10 minutes lang din?"

Nakatitig lang ito sa akin, ngumuso ako. Parang anumang oras ay magwowalk out ito or kaya ay gagawin akong punching bag. Ayoko nang ganoon. Mananahimik na lang ako, bahala na.

"Sabi ko nga po, tatapusin ko na lang." Nakangiwi kong sabi at nagpatuloy sa pagsasagot, hindi na lamang pinansin ang mga kaklaseng nag-uusap-usap. Lalo na si Hiro na mukhang nabadtrip ko ata.

Okay lang, hindi ko naman na siya crush. Bahala siya mabadtrip.

"Finish your activities before your next subject."

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon