Chapter 11

452 11 0
                                    

Nakahalukipkip at nakasandal sa upuan na nasa harapan ko si Hiro at blangkong nakatingin sa akin. Nakatitig lang din ako sa kanya at hindi malaman ang gagawin. Bakit nga ba ako pumayag na sumama sa table niya? At bakit pumayag si Ma'am Jas? Nagtatrabaho pa ako.

"Kainin mo na 'yan."

Bumaba ang tingin ko sa pagkain na bigay ni Joss. Umalis din kasi agad si Joss dahil tinawag ito ng iba niyang mga kaklase dahil may group activity raw sila na tatapusin.

"A-ah, buti pumayag si Ma'am Jas sa 'yo?"

Umarko ang kilay niya bago binaba ang pagkakahalukipkip at pinatong sa table ang dalawang siko.

"Bakit hindi papayag?"

"A-ah, kasi work hour ko?"

"May 15 minutes break ka." Umirap ito sa akin.

Napaawang ang labi ko. "Weh? Bakit 'di ko alam?"

Nagkibit balikat siya. "Eat that, may 10 minutes ka pa."

"Bakit ka tumatambay rito?"

"May binabantayan ako." Maikling sagot niya.

"Ay secret agent ka ba?"

Kunot noo niya akong tiningnan. Napatakip ako sa bibig at dumukwang palapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya pero hindi naman siya umatras.

"Sabihin mo po sa akin...secret lang natin. Sino ang minamanmanan mo? Baka kayo ang magkatuluyan kapag babae! Marami pa namang ganoon sa nobela."

Napakurap-kurap siya at inilayo ang mukha ko gamit ang hintuturo niyang pinantulak sa noo ko.

Pero dahil nga kuryoso ako ay lumipat ako sa tabi niya. Masyado akong naeexcite sa naiisip!

"Sige na--ganito...kapag sinabi mo sa akin kung sino ang mission mo, gagawin ko ang lahat ng gusto mo!"

Fan kasi talaga ako ng mga ganoong genre. Ang astig...tapos syempre nakakakilig!

"Lahat?" Tila nabuhayan siya ng loob.

Napalunok ako bago tumango. Tama ba itong pinasok ko? Pero...kasi minsan lang 'yong ganito! At actual ko pang masasaksihan kung sakali!

"You see that girl?" May tinuro siya sa 'di kalayuan. Ang ganda naman! Siguro anak iyon ng Mafia boss? Or kaya naman...billionaire?

Grabe, bigatin talaga!

"Siya ba?" Excited kong tanong. Nakatitig lang sa babaeng tumatawa kasama ang mga kaibigan.

"Nope."

"Eh anong konek ng babae na 'yon?"

Nawala ang ngiti sa labi ko at pumaskil sa mukha ko ang pagkalito.

"Nakita mo nga?" Nakangisi na ito habang nakahawak sa baba niya.

Tumango ako.

"Kita ko rin."

"Malamang." Sagot ko rin. Kita niya rin 'yon, malamang sa malamang.

Nawala ang ngisi sa labi niya at agad umismid.

"Hindi siya 'yon."

"Eh ano nga'ng konek, bakit mo po tinanong kung nakikita ko ba?"

Hindi siya kumibo kaya naman sumimangot ako at tumayo, pero agad niya akong pinigilan at pinaupo ulit.

"Saan ka pupunta?" Taka niyang tanong.

"Lalayasan ka po, ang hirap mo pong kausap."

Napaawang ang labi niya. "Pambihira..." Bulong niya. "O-oo na, siya 'yon."

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon