Chapter 1

787 12 2
                                    

"Good morning everyone! As of our first day of school, we are having a program. Please be guided accordingly by your advisors. Roam around and be kind to everyone! Again, good morning." Iyon ang pambungad ng mga speaker na nakadikit sa iba't-ibang sulok ng pader.

Ang astig. Sa amin kasi sa probinsiya ay isisigaw lang o kaya ay tatawag ng isang estudyante at ito ang magsasabi sa bawat guro.

Napangiti ako habang inaayos ang suot na white t-shirt. Ang ganda kasi rito, dalawang beses ang wash day nila kaya naman kampante ako dahil tatlong uniporme lang din ang meron ako. Ngayon kasi ay hindi pa mag-uuniform dahil first day of school, ang umpisa talaga ng klase ay sa myerkules.

"I can't wait to see the hotties!"

"Me too. Damn, makita ko lang ang isa sa kanila sapat na!"

"They have a performance right?"

"Yes. I'm so excited."

"The band that captured my heart and puss--"

Ang dami kong naririnig na usapan pero iyon ang umagaw sa atensyon ko. Wow, grabe talaga. May banda? Hindi ko kinakaya ang mga mayayaman.

I love bands. Hindi ko alam kung bakit...pero gustong-gusto ko talaga. Ang mga nagiging crush ko pa naman ay iyon mga magagaling kumanta at maguitar. Attractive talaga sa akin ang ganoon. Nakakadalawang crush pa nga lang ako e.

"Saan po ang junior high building? Grade 9 po?" Tanong ko sa isang tumpok na mga babae.

Napalingon silang lahat sa akin at tiningnan ang kabuuan ko. Ginaya ko ang ginawa nila at nabalik sa kanila ang paningin ko dahil humagalpak sila ng tawa. Lahat sila ay mga nag-aayos...

"Are you dumb? You look like...a loser!"

Sa sinabi ng isang babae ay namula ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. Nagtawanan ang mga kasama niya at ang ibang nakarinig. Hindi ko alam kung paano niya nasabi na talunan ako at kung paano niya natanong na tanga ba ako...

"Umalis ka nga! It's too early to see people like you." Pantataboy nito kaya naman agad akong umalis.

Balikan ko nalang kaya ang map? Pero...gusto ko rin kasing libutin ito nang hindi nakatingin sa map.

Nanlaki ang mata ko dahil nakita ko iyong lalaking tumulong sa akin kahapon! Iyong Hiro!

"Hi po!" Magiliw ko na bati kahit na pinapalibutan ito ng ibang mga lalaki. Siguro mga kaibigan niya.

Nagsisipol ang mga kasama niya na ikinatingin ko sa suot ko...ulit.

"Hi baby girl!" Ngiti ng isa, may hawak na drum sticks? Props?

Lumapit ito sa akin at inakbayan ako. Bakit? Para saan?

"A-ah hello po?" Taka kong tanong dahil hindi ko talaga alam bakit niya ako inaakbayan. Ganito ba talaga rito? Mukha naman siyang friendly...

"Hello p-po," bati ko ulit kay Hiro. Magtatanong lang ako, mabait kaya siya! Tinulungan nga niya ako kahapon e.

Hindi niya ako tinatapunan ng tingin. Kaya naman lumapit ako rito na ikinasalubong ng kilay niya habang nakayuko sa akin. Hanggang dibdib lang niya ako.

"You know her, Aki?"

Huh? Sinong Aki?

Tinanggal ng lalaki ang braso sa balikat ko kaya nakahinga ako nang maluwag.

"No." Napaawang ang labi ko sa sagot ni Hiro...No raw?

"E-excuse me...'di ba po tinulungan niyo ako kahap--"

"Let's go." Aya niya sa mga kaibigan niya at umalis na sa harapan ko. Sumunod naman ang mga kaibigan niya at may kumindat pa sa akin. Ang iba ay seryoso lang. Lima sila.

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon