Chapter 18

408 11 0
                                    

Nakangiti ako habang nakatitig sa asul na dagat, kumikislap iyon at animo'y mga kristal na nakalutang sa tubig. Napakasarap sa mata at ang sarap sa pakiramdam nang simoy ng hangin. Para akong dinuduyan.

"Grabe, hindi ako makapaniwala na may ilog at dagat dito sa province niyo!" Sigaw ni Sunshine at winagayway ang dalawang kamay.

Napangiti ako. "Maniwala ka na. Mamaya ang ilog naman ang bibisitahin natin."

Niyakap niya ako nang may panggigigil. "I'm so lucky to be your best friend!"

"Ako rin." Nakangiti kong sabi.

Matapos naming magpahangin sa tabing-dagat ay agad kaming bumalik sa apartment na nirentahan namin for 2 weeks.

Maayos ang naging takbo ng dalawang araw namin kaya naman kinabukasan ay nagpaalam ako kay Sunshine na mamimili sa merkado (palengke), kung tawagin sa bisaya.

"Sama ako!" Sigaw niya habang nagbibihis ako sa banyo. "Sasama ako ha!"

"Sige."

"Ang mura ng mga bilihin!"

Napangiti ako at nagthumbs up kay Sunshine. Mura lang talaga kumpara sa mall bibili.

"Magkano po rito sa kangkong ate?"

Ngumiti sa akin ang tindera. "Sampu lang 'yan, ineng."

"Dalawa po ate."

"Gusto ko na tuloy'ng tumira rito."

Natatawa kong kinuha ang plastic at nagpasalamat sa tindera.

Nagpaalam saglit si Sunshine na may titingnan lang sa may malapit na mall kaya naman pinayagan ko na rin. Ang sabi naman niya ay roon na lamang kami magkita. Habang namimili ako ng mga mailalagay sa ref ay panay ang bati sa akin ng ibang kakilala.

"Ang ganda mo, Haina! Grabe ang glow up mo."

"Hoy, alam ko binubully mo noon si Haina tapos ngayon kung makapagsalita ka parang ang bait-bait mo ah?"

"Nakakaganda talaga kapag sa Manila nag-aral, makapag-aral nga roon."

Napangiti ako. "Kumusta kayo?"

Nag-unahan silang magsalita kaya puro tango at maiikling sagot ang sinagot ko dahil tanong din sila nang tanong.

Matapos nang mahabang diskusyon kasama ang tatlong kakilala ay agad akong tumungo sa mall, bitbit ang dalawang ecobag na puno ng mga gulay at rekados.

Natigilan ako dahil may humablot sa dalawa kong dala muntik na akong mapasigaw ng 'magnanakaw' buti na lamang at agad ko itong nakilala.

"Raj!"

"Syria, hindi mo sinabing uuwi ka." Bati nito habang nakataas ang kilay sa akin.

Napakurap-kurap ako. Hindi makapaniwalang kinakausap ako ni Raj. Naging crush ko ito noon dahil magaling itong kumanta ngunit hindi naman kami nagkakausap, ewan ko kung bakit kinakausap niya ako ngayon. Ito ang unang interaksyon namin dahil mas close sila ni Kiera noon.

"H-hi." Bati ko rito. Inayos niya ang dalawang eco bag na nasa kamay niya at tumingin sa daan.

Dahan-dahan akong sumunod para makarating na rin sa iwanan ng mga gamit.

"Ilang buwan din tayong hindi nagkita. Kumusta ang pag-aaral mo sa Manila?"

Kinuha ko ang numero nang iniwanan kong mga eco bag bago nilingon si Raj.

"Ayos naman..." Mahina kong sambit. "Ikaw? Kumusta ka?"

Matapos kasing malibing ni Kiera ay hindi ko na siya nakita pa. Hindi rin naman ako nagtagal dito dahil agad ang pagkatanggap ko sa unibersidad bilang scholar.

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon