Chapter 23

347 10 0
                                    

Hindi ko alam kung oa lang silang lahat o talagang sobrang iba ang itsura ko ngayon kumpara sa ayos ko araw-araw.

"A-ah, p-pasok kayo." Alok ko sa kanila at binuksan nang malaki ang pinto. Halos hindi ko sila matingnan dahil nakakailang ang mga tingin nila.

Kanya-kanya silang bati kaya naman agad akong nagpasalamat at ngumiti sa kanila pero agad din ang iwas ng tingin. Nag-iinit ang mga pisngi ko dahil sa hiya.

Naupo na agad sila kaya naman agad akong tumungo sa kusina at kinuha ang mga pagkain, tinulungan ako ni Chandria at Sunshine. Nilapag namin sa glass table ang mga pagkain na nasa living room kung nasaan ang iba.

"Ang ganda mo, grabe! Tumutulo na ang laway ni Xairo--aray!" Natigilan si Sunshine sa eksaheradong pagpuri sa akin nang batukan siya ni Xairon. "Ang brutal mo! Babae ako baka hindi mo alam!" Sarkastiko niyang sabi at binatukan din si Xairon.

"Nilalaglag mo ako." Namumulang sabi ni Xairon at tipid na ngumiti sa akin nang gumawi sa akin ang paningin niya.

"That's enough," tumayo si Trey at inabot sa akin ang dalang box, regalo. "My gift, happy birthday again Liit."

Ngumuso ako pero agad na ngumiti. "Nag-abala ka pa po, thank you Trey."

Hinawakan nito ang buhok ko at marahang tinapik.

"Happy birthday, kasama na kay Trey ang gift ko sa 'yo--"

"Ulol, akin lang 'to." Singit ni Trey.

Nag-asaran pa silang dalawa. Napailing-iling nalang kami. Lumapit sa akin si Xairon at inabot ang regalo niya. Maliit lang na box 'yon.

"P-para sa 'yo." Namumula niyang sabi at agad ko namang tinanggap iyon kahit na nahihiya, hindi ko naman pwedeng tanggihan.

"Ang laban na 'to~"

"Epal ka lagi 'no?" Asar na tanong ni Xairon kay Sunshine na humalakhak lang.

Sobrang saya ko ngayon dahil nakumpleto nila ang araw ko, pero hindi ko alam kung bakit sa kabila nito may hinahanap pa rin akong presensya na dapat ay kalimutan ko na.

Dumating ang pasukan at agad akong nagsimula ulit bilang assistant ni Ma'am Jas. Second semester na namin at medyo busy na rin sa school works pero napagsasabay ko naman, iyon nga lang masyadong nakukulangan sa oras kaya naman lagi akong puyat.

GRADE 10. Last year bilang junior high school ay masyado nang busy kaya nawalan na rin ako ng panahon para sa ibang bagay gaya nang pagkakagusto sa isang tao. Siguro nga 'yong pagkakagusto ko kay Hiro ay nabaon na sa limot o ng panahon. Sana nga dahil ayoko na muling magkagusto.

"Congratulations!" Tili ni Chandria at sinabitan ako ng bulaklak sa leeg. Hinalikan niya ako sa pisngi.

"Thank you, Chandria." Mahinang pasasalamat ko.

"Congratulations my best bestfriend!" Hindi naman nagpatalo si Sunshine.

"Salamat Sunshine. Congratulations din."

"At dahil graduate na tayo gusto kong sabihin sa 'yo na sasama ulit ako sa 'yo sa Isla Prinsesa!"

Nanlaki ang mata ko. May plano talaga akong roon ulit magbakasyon pero...hindi ko inakalang sasama ulit siya! Dalawang buwan din iyon.

"You two can stay in our resort." Suhesyon ni Chandria, sabay kaming napatingin sa kanya.

"Talaga? Maraming turista?"

Tinaasan ng kilay ni Chandria si Sunshine.

"Why? Mangha-haunting ka 'no?"

Umirap si Sunshine. "Ano pa nga ba?"

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon