Chapter 28

364 11 1
                                    

"I haven't heard about that! Is he seriously coming back here in the Philippines? If you're bluffing, I swear I'll cut your ear."

Napatingin ako kay Chandria at Sunshine na nagtatalo sa hindi ko alam na dahilan, kanina pa sila nagbubulungan at ngayon lang ako napatingin sa kanila dahil sa lakas ng boses ni Chandria.

Andito kami sa may café malapit sa university. Ako nagrereview habang ang dalawa naman ay nag-uusap. Hindi ko alam kung bakit pa nila ako sinasamahan e hindi naman na ako bata, yes sure they are my friends but they also should have their own decision. Lagi na lang kapag nagpapaalam ako na magkakape ay agad ang sama nila, ayos naman sa akin pero syempre dapat hindi lagi, may kanya-kanya silang gagawin dapat tuwing vaccant nila.

"I am not! I even saw his brother's tweet."

"Ano naman?"

"Basta! He misses the La Isla Prinsesa raw."

"So? That's not the basis, iyong specific naman! 'Yong mismong sinabi na babalik na rito sa Pinas!"

"Why are you so eager to know about that, Chandria? Don't tell me..."

"Fuck no! Napakadumi talaga ng utak mo. "

Napabuntong hininga na lang ako at tinuloy ang pagrereview.

Natapos ang pagkakape namin na ako lang ang nagreview, ewan ko ba kay Sunshine at mukhang walang balak na magreview.

Sometimes they were talking about someone, most especially those girls who they both hated. Hindi ko lang alam kung nakakatuwa ba 'yon dahil sayan-saya pa ata sila na pinag-uusapan ang mga babae.

"Next week ha! Kapag wala kayong dalawa, magwawala ako! Lalo ka na Haina."

Tinaasan ko ng kilay si Sunshine.

"Huwag mo akong malditahan, sa akin mo namana 'yan kaya tigilan ako." Umirap ito. "Kapag ikaw hindi na naman sumipot sa birthday ko, lagot ka sa akin."

"I'm busy talaga, Sunshine. Lalo na at may presentation kami next wee--"

Bumusangot ito. "Feeling ko wala ka ng oras sa akin. Ni wala nga ata ako sa priority mo, kahit man lang siguro sa last--"

"You're guilt-tripping her!"

"Panira ka, Chan!" Pinalo nito si Chandria.

Sinamaan ng tingin ni Chandria si Sunshine.

"Titingnan ko, but I can't promise you. Sorry Sunshine, alam mo naman..."

Ngumuso siya. "I'm sorry bebe, gusto ko lang namang kumpleto tayo sa birthday ko. Kayo lang ang gusto kong makasam, you know how much I hate seeing my parents dahil always nilang inuungkat ang nakaraan?"

Bumuntong hininga ako. "Okay, I'll free my day for your birthday. Tatapusin ko nang maaga lahat ng kailangan kong tapusin." Ngumiti ako.

I know how it feels when you wanted to celebrate your birthday with people you wanted to be with. 'Yong gusto mo silang makasama pero busy sila, may ginagawang mas importante or kaya ay ayaw lang talaga nila. And that hurts...

"Yey! Kaya mahal na mahal kita e."

Napangiti ako at nagpatuloy kami sa paglalakad pabalik sa campus. Mag-iisang buwan pa lang ang pasukan at masyado pang maaga para mastress pero feeling ko stress na stress na ako. Iba pala talaga kapag college na.

"I would like to inform you guys that I will not be able to meet you tomorrow. Expect some activities."

I saw my classmates whispering to each other. I sighed. Tomorrow is Friday and it was my day to work in the library. Limited na lang kasi ang schedule ko roon, Monday and friday. It was okay because I have more vacants on that days.

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon