Chapter 20

424 11 2
                                    

"B-baka kung ano ang isipin nila." Kinabahan kong sabi. Paano kung isipin nila na...a-ano...

"Then, let them be." Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang mga daliri at tumingin sa akin. Kinuha niya ang tuwalya at binalot ulit sa akin.

Natahimik ako. Ramdam ko ang init na bumalot sa akin dahil sa tuwalya.

Kitang-kita naman namin sa may 'di kalayuan ang iba na masayang naghaharutan, maliban sa isang babae na kausap si Brent at mukhang hindi magkasundo dahil mukhang nagbabangayan ito.

"She's our childhood friend." Biglang nagsalita si Hiro kaya napatingin ako sa kanya, nagsalubong ang tingin namin kaya agad kong iniwas at binalik kina Brent at sa babae. "I don't have girlfriend--" tumikhim siya dahil agad ang lingon ko sa kanya. "I mean...if you're thinking that she's my girlfriend, she's not." Patuloy niya.

Tumango ako. Kumaway si Sunshine sa akin kaya kumaway rin ako pabalik.

"Sino 'yon?"

Nilingon ko si Hiro. "Sino?" Taka kong tanong.

"'Yong kinawayan mo," tila alangan pa ang pagkakatanong.

Kumurap-kurap ako. "A-ah, si Sunshine."

Napabuga siya ng hangin bago iniwas ang tingin sa akin.

"Ang ganda 'no?" Nakangiti kong tanong habang nakatitig sa papalubog na na araw. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim kaya naman ang ganda na ng repleksyon nito sa paligid.

"Sobra." Malambing niyang sabi na ikinagulat ko kaya naman agad ang lingon ko. Nahugot ko ang hininga ko dahil nakatitig pala ito sa akin. Kumurap-kurap siya at tumikhim. "Nababawasan pagkamaangas ko..."

"Huh?" Tanong ko sa huli niyang sinabing hindi ko narinig.

"I said...yes, the moon is beautiful."

Napakunot noo ako at buong atensyon na ang binigay ko sa kanya.

"Wala pa pong buwan, Hiro."

Umangat ang gilid ng labi niya na para bang nangingiti pero agad iyong nawala. Seryoso niya akong tiningnan bago bumaba sa leeg ko ang tingin niya. Napahawak ako sa kwintas ko.

"A-ah," tumikhim ako. "Bigay ito ng kababata ko noon."

Kumunot ang noo ni Hiro pero agad siyang napatitig ulit sa kwintas ko. Hilaw ko siyang nginitian nang mapatingin ulit siya sa akin.

"What's his name?"

His? Alam niya agad na lalaki?

"Dan-dan ang nickname niya. Pero mula noong lumipat sila sa Manila ay hindi ko na siya nakita pa. Limot ko na rin ang mukha niya at mukhang pati siya ay ganoon din sa akin."

Hindi siya kumibo.

"Ang natatandaan ko noon ay seven years old ako noong umalis sila, ang nakakalungkot nga noon ay sa mismong birthday ko pa sila umalis pero...ito ang regalo niya at masaya na ako roon." Napangiti ako habang inaalala ang malabong mukha ng batang lalaking naging kaibigan ko.

"You two were really close huh?"

Hindi agad ako nakasagot.

"Hindi naman siguro niya ako bibigyan ng regalo kung hindi."

"You can't remember his full name?"

Umiling ako. "Ang alam ko lang Dan-dan ang tawag ko sa kanya. That's the only thing I remember about him...and this." Tukoy ko sa kwintas.

**

"I saw that! Kunwari ka pa ha..." Bulong sa akin ni Chandria kinagabihan at naghahanda kami para magkwentuhan sa labas.

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon