Chapter 2

594 11 0
                                    

Martes. Naging maayos ang araw ko kahapon at nagkaroon pa ako ng kakilala. Sana ngayon din ay maging maayos.

Habang naglalakad ako sa hallway ng dormitory ay kinakain ko ang baon na sandwich. Nakalimutan ko ngang mamili ng stock na foods kahapon dahil napagod ako sa kakalibot sa unibersidad. Sobrang laki kasi at mahirap makabisado agad. Marami pa nga akong hindi napupuntahan at gusto kong malibot at matapos iyon ngayon. Para bukas okay na, hindi na talaga ako maliligaw. Mahirap na at mag-uumpisa na ang discussion bukas ng mga guro.o{m

"'Di ba 'yan 'yong kausap ni Chan na high schooler? And she looks poor. She's wearing unbranded clothes, like how she's wearing nothing on her innocent face--her innocence cannot hide her slutty attitude tho. I can sense her!"

Nagtawanan sila. Napabuntong hininga ako at yumuko. Siguro titigilan ko na lang ang pakikipag-usap kay Chandria? Sayang, ang bait niya pa naman at hindi siya nakakasawang tingnan, ang ganda kasi niya. Friendly naman siya kahit mataray.

"Ngayong araw, ang gagawin niyo lang ay kikilalanin ang isa't-isa bilang estudyante at indibidwal. Maaari kayong lumipat ng upuan nang sa gayon ay makapag-usap kayo ng maayos." Iyon lang ang sinabi ng guro at lumabas na.

Sa classroom namin ay wala namang maaarte, siguro dahil matatalino at focus sa pag-aaral kaysa sa ibang bagay.

"Hi."

Napatunghay ako sa pagkakayuko dahil sa bumati sa akin. Napaawang ang labi ko dahil ang ganda nito. Siya 'yong napansin ko kanina nang pumasok ako at bahagya itong ngumiti, ganoon siya kapag nagkakasalubong ang mga mata namin.

"H-hello po." Bati ko na agad naman niyang sinuklian ulit ng isang matamis na ngiti.

"I'm Sunshine nga pala. Ikaw si Haina, right? Sikat ka rito sa school, ang ganda mo kasi. Natural na natural ang ganda mo  kaya hindi na ako magtataka kung naging doble na ang bilang ng mga inggitera."

Madaldal siya kaya naman mabilis na napalapit ang loob ko sa kanya. Siya ang unang naging kaibigan ko sa room, sumunod si Xairon at humabol naman si Kent na siyang kaibigan din ni Xairon.

Mababait silang lahat pero may paminsan-minsan talagang hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit sa akin. Tahimik naman ako, wala rin akong inaapakan na tao. Maliban sa alam nilang mahirap ako ay wala na.

"May nagpapapansin sa 'yo sa kabilang section, hindi mo ba siya type?" Tanong ni Sunshine kinabukasan nang makaupo ako sa upuan ko. Nilingon ko siya at ngumiti.

"Magandang umaga, Sunshine." Nilingon ko ang labas, naroon pa rin ang lalaking bumati sa akin kanina. Ngumiti ito at kumaway sa akin tila hinihintay lamang ang pagsulyap ko. "Siya ba?"

Tumango siya habang inaayos ang buhok niya.

Umiling ako at tiningnan ang mga kaklase kong may kanya-kanyang mundo. Late na naman siguro si Kent at Xairon, lagi kasi silang late. Dumadaan pa kasi raw sila sa gym, ang sabi nga ni Sunshine mga sumisilip daw sa mga babaeng naggygym.

"Why? He's cute, Haina!"

Napatingin ulit ako sa bintana ngunit iba na ang nahagip ng paningin ko. Si Hiro habang nakapamulsa at kausap ang muse namin. Sumulyap ito sa akin pero agad ding inalis ang tingin at tinuon ulit sa babae na nasa harapan niya.

"Haina?"

Napakurap-kurap ako at binaba ang tingin bago hinarap nang tuluyan si Sunshine. Ngumiti ako pero alam kung hindi iyon umabot sa inaasahan niya.

"What's wrong? Hey, hindi kita pinipilit na gustuhin ang lalaking iyon. Don't be sad, marami pang iba riyan. Iyong gusto mo at mas gusto ka, huwag ka nang malungkot." Hinawakan niya ang kamay ko.

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon