Chapter 47

353 7 2
                                    

"I'm sorry Miss Quintero but Mr. Riego cancelled his appointment with you."

Napaawang ang labi ko at tinapik ang hita dahil nasa labas ako ng restaurant, I was waiting for him for almost 5 hours at nainip ako sa loob kaya nagpahangin muna ako sa labas...umaasang makikita ko siya agad.

"B-bakit daw po?" Nanginig ang boses ko.

Kaya mo 'yan, Haina.

"May dinner date daw po sila ni Ma'am Thalia."

"K-kaya niya po pinacancel ang meeting po namin ngayon? P-pero...kanina ko pa po siya inaantay rito sa may restaurant po. B-baka naman po pwedeng sumaglit po siya? Ipapapirma ko lang po talaga...hindi po ba okay na? Mag-iinvest na po siya?"

Narinig ko ang mahinang buntong hininga niya.

"A-about that Ms. Quintero..."

Nanginig ang labi ko. Okay na sabi niya eh! Sinabi nila sa email na natanggap ko!

"Isesend ko na lang po sa 'yo ang address po ng company and ikaw na lang daw po ang kumausap sa kanya, dalhin niyo na lang po ang ipapapirma."

Tinapik ko ang binti ko dahil may kumagat na lamok. Humugot ako nang malalim na hininga.

"Okay."

Umuwi akong bagsak ang balikat. Pagod na ako sa kakasunod sa kanya, tatlong beses na niya akong hindi sinisipot at iba-iba ang dahilan niya. Hindi ko alam kung iniiwasan niya ba ako o sadyang busy lang siya? Pero...susukatan ko pa siya. I need to have his measurement so our clothing line can make his suit as soon as possible, kasi nga may importanteng event siyang pupuntahan pero mukhang kami pa ang kailangan maghabol at mag-adjust.

"Chan," gulat kong sambit nang makita siya sa hotel na tinutuluyan ko. Hinawakan niya ang braso ko at hinatak paupo sa tabi niya. Ngayon na lang ulit kami nagkita after noong nagbar kami.

"You never open up again that incident happened at the bar."

Kumunot ang noo ko. Incident? Ano 'yon?!

Kinakabahan ko siyang tiningnan. Anong kabalbalan na naman ang ginawa ko habang lasing?!

"D-don't tell me..." Naiiyak kong sambit. Anong ginawa ko?

"What? Wala kang maalala?" Lito niyang tanong.

Umiling ako. Napahawak ako sa ulo ko. Pilit inaalala ang nangyari noon sa bar pero wala talaga akong maalala! Nag-iinuman lang kami ni Chandria tapos may kumausap sa aming mga lalaki but we refused to entertain them! After a lot of shots...wala na akong maalala pa. Blurry na ang lahat-lahat...and totally black.

"You and Akihiro met, umiiyak ka noong bumalik ka. You told me all of the talks you had with him."

Napaawang ang labi ko. Nanlalaki ang mga mata ko, naitakip ko ang kamay sa bibig ko bago nilapitan siya. Hinatak ko siya papasok sa hotel room ko at agad kaming naupo sa may sofa. Still in my shock state, my lips quivered. What did I do?!

"A-anong pinag-usapan namin? H-hindi ko na matandaan...wala akong m-matandaan na nagkita kami roon!"

She told me everything I told her that night. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. I did that?!

"N-no..." Iling-iling ko. I felt my body become numb. "S-sekreto 'yon...bakit ko sinabi?! B-bakit ko binigyan ng rason si Hiro na isiping may rason kung bakit ako umalis nang walang paalam?!"

Maling-mali ang ginawa ko. Okay na eh, okay na lahat. Isipin na lang nila na walang rason kung bakit ako umalis. Ayoko na nang gulo!

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa bar na tinutukoy niya. I saw him leaning against the couch and when he saw me he waved his hand and smirked. Kumukulo ang dugo ko pero nanatili akong seryoso habang papalapit sa kanya. Naupo ako at tinitigan siya. I don't know him anymore. Sa mga naging interaksyon naming dalawa ay hindi ko maiisip na kaya niyang gawin ito! He's making me sick! Remembering those times where I am with him alone! Hindi ko alam na kaya niya akong ganituhin...

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon