Chapter 35

333 8 2
                                    

Dahil nga tuwing weekend lang ako sa kompanya ay minsan na lang kami magkita ni Hiro at mas okay 'yon. In that case, hindi ako nagkakasala.

"Huwag kang epal ha." Irap ni Sunshine sa akin nang makita kong may lalaking nakaabang sa kanya.

"Ang labo niyo minsan ni Trey."

"Huwag mo na ngang banggitin ang lalaking 'yon!"

Bumuntong hininga na lang ako at hinayaan siyang sumama sa lalaking sumundo sa kanya. May date daw sila, ayos lang naman sa akin. Support ko siya palagi, pero hindi ko lang maintindihan sila minsan ni Trey.

"Iniwan ka na?"

Nilingon ko ang lalaking tumabi sa akin. Tumango ako sa kanya.

"Hatid na kita?" Alok niya.

"Huwag na, magcocommute ako." Tanggi ko dahil ayokong malaman na sinusundo ako ng driver nila Tita at lalong ayaw kong malaman ng iba na nakatira ako sa bahay nila Hiro.

Actually, wala pang nakakaalam na kapatid ako ni Hiro. Hindi ko alam kung dahil ba ayaw ipaalam o ayaw pa nila. Masyado rin kasing nakakabigla, kaya siguro ayaw pa nila. Maski ako man ay ayaw pa rin. Saka na lang siguro kapag tapos na akong mag-aral, in that case kapag nalipat na sa akin ang company at naipakilala na ako sa publiko ay ayos na.

"Are we still good?"

Natigilan ako dahil sa tanong ni Joss. Hindi ko alam kung paano siya patunguhan mula noong umamin siya sa akin noong nakaraang taon na may gusto siya sa akin.

"Oo naman." Umiwas ako ng tingin at tumingin sa mga pumaparadang kotse.

"Then let me take you home."

Napatingin ako sa kanya, tila nanghahamon ang tono niya kaya tumango ako. Ngumiti siya ng tipid at inakay ako para makapunta sa sasakyan niya.

"How are you?" He asked while focusing on driving.

Napatingin ako sa cellphone ko dahil tumunog iyon.

"Ayos lang naman. Ikaw?"

"Actually, I'm leaving."

Napaawang ang labi ko. "Huh? Bakit?"

"Personal reason, I'll continue my studies in Paris."

"Wow," the only word I uttered as I saw how the other car sped up beside Joss' car. Kumunot ang noo ko nang makitang pamilyar iyon.

Napakagat labi ako nang maalala kung saan ko 'yon nakita. Agad kong tiningnan ang text ni Tita.

Tita Naih:

Your Kuya Akihiro will fetch you, hija. Have you seen him?

Narinig ko ang mahinang mura ni Joss kaya agad akong napatingin sa kanya nang bigla siyang mapabreak. That was unexpected! Muntik na akong mauntog, mabuti at may seatbelt.

Agad siyang bumaba, sumunod ako at nagulat nang nakaharang na sa daan namin ang sasakyan na nasa gilid lang sana namin kanina. Madilim ang tingin nito habang prenteng nakasandal sa hood ng sasakyan niya. At dahil doon ay maraming naintriga at napatingin sa amin! To think that we are in the middle of the road! Anong trip ng mga ito?

"Akihiro," tila'y gulat na sambit ni Joss. Mabilis akong lumapit sa kanya at pareho naming tiningnan si Hiro.

Nakapamulsa ito at tila'y haring walang pakialam sa paligid.

Hinagod ko siya ng tingin. He's still on his suit, office attire. Mukhang kagagaling lang sa opisina. Wala naman kaming usapan na susunduin niya ako ah?

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon