Chapter 3

501 12 0
                                    

"You have a nice voice."

Napahawak ako sa dibdib at napatalon dahil sa gulat. Bigla-bigla nalang kasing may sumigaw at nagsarado ng pinto, pabalang iyon kaya malakas ang inilikhang tunog.

Muntik ko nang mapalo ang sarili ko gamit ang hawak na mop.

Kumakanta-kanta kasi ako habang nagmamop.

"C-chandria," gulat ko pa ring sambit, pinapakalma ang sarili.

Napairap siya at maarteng umupo sa upuan ng mga prof sa harapan. Tiningnan niya ako habang nakapangalumbaba.

"I heard a rumor about you, Haina." Malamig ngunit seryoso nitong sabi. Sumandal siya sa upuan at tinitigan ako. Napakurap-kurap ako. "You were bullied by those ugly girls that are fan-girling the band?"

Napaayos ako ng tayo at nagsimulang magmop ulit. Narinig ko ang bayolente niyang pagpapatunog ng mga daliri sa table. Kinakabahan ako, dahil mukhang hindi niya gusto ang nalaman.

Totoo namang may mga nambubully sa akin, gaya ng mga nababasa ko sa mga nobela pero hindi gaya ng mga bida roon ay lumalaban, ako ay hindi at malabong ang mga panlalaban na nababasa ko sa mga nobela ay applicable sa totoong buhay.

"Haina, one week and I haven't heard you defended yourself!" Galit na ang boses niya kaya nakagat ko ang pang-ibabang labi.

"Chandria, a-ano kasi...ayoko nang away...s-saka wala naman sa akin 'yon."

"That's why they were having fun bullying you! You are like a statue accepting every shit people throwing to you!"

Napapikit ako at piniga ang mop. Inilagay ko iyon sa balde at binuhat ang balde. Narinig ko ang mahina niyang mura.

"Fine. Accept their insults. Accept their shits. Accept everything they were throwing to you. Accept their immature acts. But no, I can't accept those, Haina. Wait until I caught them bullying you. I hate bullies, keep that in mind." Padarag itong lumabas sa room.

Napabuga ako ng hangin at sinapo ang dibdib bago tumingala.

Pag-uwi ko sa dorm ay para akong nakalutang dahil sa kaba. Ang aking isipan ay lumilipad para sa mangyayari bukas.

Paano kung makita nga ni Chandria na binubully ako ng fans ng sikat na banda? Paano kung awayin niya ang mga iyon? Nang dahil sa akin ay baka kung anong mangyari sa kanya! At ang mas malala magkakagulo nang dahil sa akin! Ayokong magkagulo nang dahil sa akin, ang pangarap ko ay tahimik na buhay! Bakit kasi nasangkot ako sa bullying?

Kasalanan ko bang iskolar ako? Kasalanan ba ang pagiging iskolar? Nakakaproud nga kasi walang binabayaran sa prelihiyosong eskwelahan tapos kung makapangbully sila parang kasalanan ang maging mahirap.

Habang naglalakad ako sa hallway ay wala namang bago, may mga napapatingin at ang iba'y walang pakialam. Hindi ko lang talaga alam kung bakit ang init ng dugo sa akin ng ibang fans ng banda. Siguro dahil noong unang lapit ko kay Hiro? Pero...big deal na ba 'yon? Normal na estudyante lang naman sila ah?

"Hoy!" Biglang may lumapit sa akin nang papasok na ako sa room. Agad na nakaagaw siya ng pansin. Kumunot ang noo ko pero agad ding nag-iwas ng tingin sa kanya. "Pinapasundo ka ni Chandria, malalagot ako kapag hindi ka sumama." Sabi nito habang hinaharangan akong pumasok.

"Po?" Lito kong tanong. Ang alam ko pinsan siya ni Chandria, siya iyong drummer na sabi ko hindi ganoon kagwapo.

"Chan's want to talk to you." Seryoso na ito.

Napakagat labi ako at tumango. "Saan po?"

"Let's go." Malamyos na ang boses niya, nakatitig ito sa mga mata ko. "Damn, you have a cute eyelids."

Ano raw? Hindi ko narinig dahil masyado iyong mahina at parang binulong lang niya sa sarili niya.

"You're so good at this Brent." Tila may pinapahiwatig na sabi ni Chandria.

Ginala ko ang paningin sa loob ng music room, nabasa ko noong papasok na kami ni Brent. Andito rin ang ibang lalaki, kasama si Hiro.

"Ako pa ba?" Mayabang na sabi ni Brent at tumalikod pero agad ding humarap ulit sa akin at kumindat. Nagsnap siya kay Chandria. "She has it."

"I know," irap ni Chandria at nilapitan ako. "You can leave us." Tinulak niya sa paraan na maarte si Brent. Ngumiti lang ako nang tipid nang lumingon sa akin si Brent at nagflying kiss.

"Stop that Brent!" Sigaw ni Chandria at nakangusong pinaupo ako sa tabi niya. "Don't ride on his shits."

Marahan nalang ako na tumango. Napatingin ako sa bandang stage kung nasaan ang ibang bandmate ni Brent at siya. Nag-iwas ng tingin si Hiro at inayos ang microphone na hawak niya. Tila'y may kinakalikot.

"Anyway, I just want to make sure that you're safe." Mataray pa rin ang tono niya pero kailangan kong isa-puso na ganoon na talaga ang way nang pagsasalita niya.

"T-titigil din naman po siguro sila. Kapag napagod."

"They won't get tired because you are still standing and breathing, they will get tired when you, yourself get tired and choose to stop your breathing Haina. That's how much they wanted to get rid of you and choose to end your life. " Seryoso ang pagkakasabi niya kaya hindi ko alam kung nanakot lang siya or totoo talaga iyon.

"H-hindi naman sigur--"

"Huwag kang magmarunong. Mas demonyo pa sila kay Satanas. So I would rather help you than watch you standing without defending yourself, Haina. You're innocent and you remind me of my sister, so please let me."

Napaawang ang labi ko. Agad niyang pinitik ang noo ko, napaaray ako nang malakas dahil sa gulat.

"I hate you, Haina. You're stupid."

"Wow, grabe." Naibulong ko na lang. Hindi ko alam kung masasaktan ako o matutuwa dahil sa mga sinasabi niya.

Napangiti siya ngunit maliit lang iyon. Ang ganda niya talaga.

"You can't stay here, go on. Pumasok ka na sa room niyo. I'll stay here."

Napanguso ako, akala ko pa naman maririnig ko na ulit na kumanta si Hiro. Kahapon kasi ay inantok ako sa boses niya. Parang ang sarap lang ulit-uliting pakinggan. Ang lamig, ang sarap sa tenga. Feeling ko nga kapag kinantahan niya ako nang malapitan ay makakatulog ako nang mahimbing. Obssess na ata ako sa boses niya. Parang gusto ko nalang siyang ilagay sa garapon tapos kapag inalog ko ay automatic ang pagkanta niya. Hehehe cute.

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon