Chapter 46

391 7 9
                                    

"You know you can always count Sunshine in terms of this right? Kahit madaldal at balahura ang babaeng 'yon ay alam mong maasahan 'yon. Hindi lang halata..."

I gulped on my glass and laughed bitterly.

"Nahihiya ako...nahihiya ako dahil alam kong sobrang mali ko."

Naiiyak kong sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri. Kumuha ulit ako ng alak at tumungga.

"Hangga't maaga pa ay kausapin mo na siya. It's been years Haina, sobrang laki na ng tampo niya sa 'yo. Sana nga pansinin ka pa n'on eh."

Sinandal ko ang ulo sa couch at tinititigan ang basong hawak.

"Friendship over na kaya kami para sa kanya?"

Hindi siya sumagot.

"C-chan...miss na miss ko na si Sunshine." Umiiyak kong sabi habang halos yakapin na hawak na baso.

Nilapitan niya ako at hinawakan ang kamay ko.

"Hindi ka naman matitiis n'on, suyuin mo lang and tell her everything...maiintindihan ka n'on."

Suminghap ako. "P-paano ang iba? Paano...sina Tita? Paano...si H-hiro? M-mapapatawad pa kaya nila ako?"

Hindi nakasagot si Chandria. Natawa ako ng mapakla. That's what I thought...kahit sino sa kanila, walang kasiguraduhin kung mapapatawad pa nila ako. Alam kong nasaktan ko sila sa biglaang pag-alis ko. Alam ko...kasi ramdam kong mahal nila ako...bilang pamilya at kaibigan.

Nagpaalam ako saglit kay Chandria na magbabanyo lang, ang hirap pala kapag nakakainom laging naiihi. Natatawa ako habang naglalakad sa second floor, naroon kasi ang banyo.

Humawak ako sa handle at muntik nang matumba mabuti at napahawak ako sa kamay ng kung sino. Tiningala ko ito but I can't clearly see his face. Binitawan ko ang kamay niya at tumawa.

"You smell so good...p-pamilyar ang amoy mo..." Nilapitan ko pa siya pero agad ding umiling-iling. Imposibleng hahayaan ako ng lalaking 'yon kung siya man 'to, hinding-hindi niya ako hahayaang makalapit man lang sa kanya. Hindi na niya ako kilala!

"Nakakatawa lang dahil hindi na niya ako kilala..." Tumawa ulit ako at hinayaan na ang sariling umalis sa harapan ng lalaki at pumasok sa banyo.

"A-ah..." Umiiyak kong sabi habang nakahawak sa tiyan ko. Para akong mawawalan ng ulirat dahil sa sakit ng ulo at tiyan.

Napahawak ako sa bowl at agad doong dumuwal. I heard someone entered but I didn't mind, I continue vomitting and gripped onto the cover.

"Shit!" Someone cursed. Hindi ko alam kung bakit malalim ang boses n'on, parang hindi babae.

Tumunghay ako dahil narinig ko ang pagbukas sa cubicle na pinasukan ko. Napaawang ang labi ko. Napahawak ako sa ulo ko at pilit tumayo, pinunasan ko ang gilid ng labi ko at pupungay-pungay na tumitig sa lalaking nasa harapan ko. Nilapitan ko siya at tumawa ako nang malakas.

Kumunot ang noo niya at kumuha ng tissue sa gilid niya. Lumapit siya sa akin at pinunasan ang labi ko. Seryosong-seryoso siya habang nagpupunas sa labi ko. Gusto kong ipikit ang mga mata at namnamin ang ginagawa niya pero mas pinili kong manatiling dilat dahil baka panaginip lang 'to...ayokong magising.

"H-hiro..." Hinaplos ko ang pisngi niya. Natigilan siya sa pagpupunas sa pawis ko, tinitigan niya ako. Agad siyang umiwas ng tingin at umatras.

Napatingin ako sa paa niya nang ginawa niya 'yon. Ang kaninang magkalapit naming mga paa ay nagkaroon nang malaking distansya. Tumawa ako at umiling-iling...

Lumapit ako sa kanya pero agad siyang umatras. Kunot ang noong tumitig sa akin, para bang binabasa ako.

Tumawa ulit ako pero alam ko sa sarili kong sobrang pakla niyon. Para kong sinusuka ang tawa ko dahil hindi naman talaga ako natatawa, sa katunaya'y naiiyak ako. Imagine how he changed a lot after those years.

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon