Chapter 48

351 6 0
                                    

"You're late, Ms. Quintero. Is that how you act as a professional? That's not professionalism at all." Mariin, malamig at malalim na sabi ni Hiro nang makapasok ako sa pribado niyang opisina.

Ito ang araw na naka-appointment ako kay Hiro para sa measurements and signature niya sa papeles.

"I-i'm sorry, Mr. R-riego." That's all I can say. Hindi ko naman pwedeng sabihin na inaapoy ako ng lagnat kaya hirap akong kumilos. Mabuti na lang at tinakpan ko ng concealer ang eyebags ko at pamumula ng pisngi ko, natakpan ko rin ang namumutla ko mga labi.

Madilim ang titig niya sa akin bago bumaba sa hawak ko na envelope. Ngumiti ako at tumayo sa tapat ng lamesa niya, nilapag ko ang papel at tumitig sa kanya. He creased his forehead, agad ding bumalik sa pagiging marahas, seryoso at mariin ang titig sa akin, para bang sinasaksak ang kaloob-looban ko. Hindi ako nagpatinag, I remain my polite smile and my posture.

Huwag kang matakot, Haina. Just imagine that you two don't know each other...pero bakit ang hirap!

Napanis ang ngiti ko nang kinuha niya ang papel, binasa nang matagal bago unti-unting tumunghay sa akin. Ganoon pa rin ang tingin sa akin.

"Come back later this afternoon for my measurements." Maikling sabi niya na para bang pinal na at wala na dapat pa akong isagot. Pero hindi ko kakayanin kung babalik pa ako mamaya, baka himatayin na ako.

"M-mr. R-riego...can we d-do it now? H-hindi na po k-kasi ako makakabalik." I said, my voice is husky because of my aching throat. Sobrang sakit ng lalamunan ko na para bang konting salita ko pa ay mawawalan na ako ng boses.

"Why?" Kunot noo niyang tanong, himig pa rin ang lamig at presko niyang boses. Hindi ko ikakailang naging dagdag sa appeal niya ang boses...lalaking-lalaki kasi at masarap sa tenga liban sa para itong nanunuot sa buto ko.

"B-because it may be the last...time we might meet." Mahina kong sabi, pilit na lamang nagsasalita dahil parang hinahagod ng kutsilyo ang lalamunan ko.

Umiwas siya ng tingin at tinuon ang mga mata sa papel na hawak. Marahan siyang tumango, nang iangat ang mga mata ay naging malambot iyon pero agad ding nawalan ng ekspresyon.

"Okay," mahinang sabi niya. "Let's start now then." Tumayo ito. Muntik na akong mapasinghap nang makita ang ginawa nito, hinubad niya ang suit at isinuot sa swivel chair niya bago tumungo sa couch niya. Umupo siya roon wari'y hinihintay na lamang akong sumunod.

Humugot ako nang malalim na hininga bago nakangiti ng hilaw habang naglalakad palapit sa kanya.

Bago pa man ako magsalita ay tumunog ang cellphone niya at agad siyang tumingin sa akin, tumango ako. Tumango siya at agad sinagot ang tawag, nagtaka lang ako dahil hindi ito lumayo man lang para hindi ko marinig ang usapan nila ng kung sinuman ang kausap niya.

"Thalia," mababa, malamyos at...malambing ang kanyang boses nang binanggit iyon. Ibang-iba kapag kausap niya ako.

Pumait ang panlasa ko dahil sa napagtanto. Malamang Haina, fiancee niya 'yan. Sino ka ba? Ano ka ba niya?

"Yes," sumulyap siya sa akin. Nang makitang nakatingin ako ay nakipagtitigan siya sa akin. Hindi ko rin alam bakit nanatili akong nakatitig sa kanya. I miss his green eyes...I miss him. "Okay, kapag uwi ko. See you then..." Nakatitig pa rin siya sa akin hanggang sa naputol na ang tawag.

Ngumiti ako kahit na ramdam na ramdam ko na ang pait na bumalot sa pagkatao ko.

"Can w-we start na p-po?"

He nodded and stood up. I went to him and grabbed the measuring tape.

Nakakailang, nakakakaba at nakakabaliw ang sobrang lapit namin pero wala naman akong choice dahil hindi ko matatapos ito kung hindi ko gagawin! At isa pa, konting push na lang sa akin ay hihimatayin na ako. Sobrang sakit na rin ng ulo ko, nanghihina na rin ang katawan ko. Sobrang sama na talaga ng pakiramdam ko at baka pagkatapos namin dito ay bagsak ako sa hotel.

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon