Chapter 21

380 10 0
                                    

"Saan na sila?" Taka kong tanong kay Hiro kinabukasan dahil wala na ang iba at siya na lamang ang nakita ko paglabas.

Ginala niya ang paningin at tumingin sa akin tapos at nagkibit balikat.

Pumunta ako sa malapit sa dagat at ginala ang paningin. Ganoon din ang ginawa ni Hiro pero parang mas lamang ang pagtatanaw lamang sa magandang tanawin.

"Sa tingin mo po, saan sila pumunta?" Baling ko sa kanya pero agad siyang tumitig pabalik sa akin kaya agad ang pag-iwas ko.

"They left without telling me where they were going." Bumuntong hininga siya at ini-stretch ang mga braso. Dahil sa ginawa ay sumilip ang tiyan niya...napatitig ako roon at agad namula. B-bakit...ang sexy tingnan? Twenty-one pa lang siya pero ang katawan niya...parang pang-thirty plus na dahil sa hulma.

"Haina," napakurap-kurap ako at iniwas ang tingin sa tiyan niya. "Can I cook something in you house? Para pag-uwi nila kakain na tayo."

Agad ang pagtango ko. "S-sige lang..."

Pumunta nga kami sa apartment at agad naman siyang tumungo sa kusina. Ako naman ay dumeretso sa kwarto at naghilamos, kumuha na rin ako ng pocket book para makapagbasa-basa sa sala.

Tumatawa ako habang nagbabasa kaya naman hindi ko na napansin na nasa tabi ko na si Hiro at mukhang kanina pa siya dahil nakatitig na ito sa akin at nakatapat na rin ang electric fan sa akin. Ngumiti ako ng hilaw at pinakita ang binabasa.

Tumango siya at binukaka ang dalawang paa bago nilapat ang dalawang kamay roon.

Hindi ko alam kung bakit nawala ang ngiti sa labi ko at agad napatitig sa kulay berde niyang mga mata. Umayos siya ng upo pero nakatitig pa rin sa akin. Hanggang sa bumaba ang tingin niya sa labi ko, palipat-lipat iyon sa mata at labi ko kaya naman napaawang ang labi ko. Kinakabahan kong kinagat ang pang-ibabang labi.

"Damn it."

Agad niya akong hinapit at nilapat ang labi niya sa labi. Nanlaki ang mga mata ko at hindi agad nakagalaw. Malambot ang labi niya...iyon ang unang pumasok sa isip ko pero...bakit niya ako hinahalikan? Ibig sabihin ba...gusto niya ako?

Nang akmang ibubuka ko na ang labi ko ay agad siyang tumigil. Napahilamos siya at agad tumayo.

Nagtataka ko siyang tiningnan. "H-hindi po ba m-masarap?"

Narinig ko ang marahas na pagmumura niya at hindi na ako nagawang tingnan pa. Napayuko ako at napahawak sa labi. First kiss ko 'yon...

Wala kaming kibo ni Hiro nang makabalik ang lahat. Pinuntahan daw pala nila ang yate na gagamitin namin para makalipat sa kabilang isla.

Hindi ako naeexcite...feeling ko nasa kanina pa rin ang kaluluwa ko at hindi makaalis-alis. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Nahihirapan ako dahil para akong nangangapa sa dilim. Bakit niya ako hinalikan? Gusto niya ba ako?

"Kanina ka pa tulala, anong nangyari sa 'yo?" Tanong sa akin ni Brent. Sumunod pala siya sa akin nang magpaalam akong lalabas lang at magpapahangin.

"Sa tingin mo may gusto sa akin si Hiro?"

Nanlaki ang mga mata niya at napatitig sa akin. Napakurap-kurap ako. Tama nga siguro ang hula ko. Pinaglalaruan ako ni Hiro. Alam kasi niyang crush ko siya.

"W-why?" Nauutal niyang tanong tila'y kinakabahan pero agad siyang tumikhim at nagseryoso. Dumilim ang tingin sa akin.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na hinalikan ako ni Hiro dahil baka...para kay Hiro walang 'yon.

"Hindi mo ba napapansin? Panay ang tingin niya sa akin." Dinaan ko na lamang sa biro 'yon.

Kumunot ang noo ni Brent at umiwas ng tingin sa akin. Tumingin kami sa payapang dagat at sabay na napabuntong hininga. Nagkatinginan kami bago sabay na natawa at napailing-iling.

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon