Chapter 8

464 8 0
                                    

"Opo, magsasara na po ang library." Sabi ko sa isang babaeng papasok pa sana.

"Sige na po, kahit saglit lang. Kukuha lang po ako ng isang book tapos ipaparecord at okay na." Pagsusumamo niya.

Napatingin ako sa malaking wall clock sa may loob ng library.

Lagot ako kapag na-late sa practice.

"S-sige po." Napabuntong hininga na lamang ako. Kawawa naman kasi at mukhang kailangan na kailangan niya.

"Hulog ka ng langit!" Maligaya niyang sigaw.

Natawa ako nang mahina. Dali-dali itong pumasok.

Labing limang minuto siyang nasa loob kaya nang mairecord ko ang hiniram niyang book ay agad akong nagmadaling tumungo sa music room. Sabi kasi ay dapat 5 pm ay nandoon na. Kasi ang uwian ay 4:30 dapat hindi malate sa practice. 5:10 na kaya naman kinakabahan ako. Baka kagalitan ako ng banda.

"You're late." Nakahalukipkip na salubong sa akin ni Hiro, napakagat labi ako. Sinasabi ko na nga ba.

Napayuko ako at pinaglaruan ang mga daliri sa kamay. Tumingala ako at tiningnan ang suplado niyang titig sa akin, para itong nanghahamon ng away sa akin. Mukha pa naman akong bata tingnan dahil sa tikas niya at tangkad.

"S-sorry po..." Mahina kong sabi.

Napaiwas siya ng tingin at minwestra ang loob.

"Pumasok ka na." Malamig nitong sabi kaya nakanguso akong pumasok. Naramdaman ko ang presensiya niyang nakasunod sa akin.

"Haina," bati ni Brent pero hindi iyon kagaya noon na masigla, ngayon ay may lamig na iyon. Ramdam ko rin namang iwas na siya sa akin, hindi ko lang alam kung bakit.

"Hello po." Bati ko sa iba. Busy sila sa kakaayos ng mga gagamitin para sa practice. Nakita ko si Chandria na inaabutan si River ng inumin. Napanguso ako.

"Haina, kanina ka pa namin inaantay. Akala ko ba before 5, magsasarado na ang library?" Si Trey iyon.

Napatingin ako sa kanya. "M-may humabol pang manghihiram ng book e, kaya naman pinaunlakan ko muna."

Umupo ako sa isang upuan na bakante. Nilapag ang bag at isang malaking paper bag na may lamang mga books. Wala kasi akong locker.

"Here, check this mic." Inabot ni Brent sa akin ang isang microphone na kulay green.

Tumitig ako roon at napatingin kay Hiro. Hindi ko alam bakit siya agad ang pumasok sa isip ko. Lagi nalang, sa tuwing nakakakita ako ng kulay green ay agad ang pagpasok ni Hiro sa isipan ko.

"What?" Supladong tanong niya. Ngumuso ako at iniwas ang tingin sa kanya.

"Sige na, start na. Ano ba muna ang gagawin natin?" Tanong ni Brent.

Napatingin ako kay Hiro dahil sa ginagawa niyang pag-aayos ng stand ng microphone niya. Napatingin ako sa hawak ko, may isa pa kayang stand?

"I wanna hear you sing again, Haina." Sabi ni Chandria.

Napaawang ang labi ko at paulit-ulit na tumikhim.

"Sure na po ba 'to? Hindi na po ba pwedeng umatras?"

Nagkatinginan sila bago sabay-sabay na umiling. Narinig ko naman ang asik ni Hiro habang nasa may 'di kalayuan. Grabe kapag talaga galing sa kanya ay mabilis kong marinig.

"Can we start now?" Tanong ni Hiro sa naiinip na tono.

Napasinghap ako at nakangusong tiningnan at microphone.

Nakakatakot namang pumalpak!

"Duet po?" Pagkatapos ko kasing kumanta ay sinabi agad ni Troy na duet daw kami ni Hiro.

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon