Chapter 6

1.9K 98 53
                                    

Chapter 6: Bukol

Spg (slight)

“Ang sarap mo pa lang magluto.” nakangiting sabi ko sa’kanya habang sinusuklay ko ang buhok ko.

Nandito na kami ngayon sa kwarto namin at kakaligo ko lang. Malalim na ang gabi pero ito gising pa kami dahil natagalan kami sa panonood at sa pagluto ng pagkain namin ngayong gabi. Hindi ko akalain na masarap at magaling talaga magluto ang bakla na ito.

Ngumisi lang siya sa’kin. Napatingin ako sa kabuuan niya at muntik ng malaglag ang panga ko dahil sa suot niya. Manipis ang suot niyang mababang damit, parang sando na pero kung itataas ang mga braso niya ay tiyak na makikita ko ang pusod niya. Sa pang-ibaba naman ay maluwag na mababang short, ang nipis din ‘e.

“Ano nagagandahan ka sa’kin?” nakangiting tanong niya at umikot pa.

Natawa naman ako. Ang cute niya kahit ganyan siya.

“Hindi ka maganda. Mas maganda ako.” madiin ko pang sabi, “Kahit anong suotin mo, mas maganda ako.” tapos ginaya ko pa ang pag flip hair niya.

Sinamaan niya ako ng tingin at naupo sa kama.

“Mas malakas ka pa sa typhoon.” umikot ang mga mata niya.

Inilapag ko naman ang suklay na hawak ko. Nahiga ako sa kabilang side ng kama, siya naman ay nakaupo. May kung anong kinakalikot sa phone niya. Tumagilid ako paharap sa’kanya, pinagmasdan ko ang likod niya. Lalakeng lalake, hindi mo aakalain na bakla ang isang ito.

“Bakit mas gusto mong bakla ka? Mas bagay sa’yo ang maging lalake.” ngumiti ako ng tipid.

Natigilan naman siya pero hindi sumagot. Pinagpatuloy na lang niya ang pagpindot pindot sa phone niya. Dahan dahan naman akong lumapit sa’kanya at sinilip kung may ka-text ba siya.

Napasimangot ako ng mabasa ko kung anong pinag-uusapan ng ka-text niya.

“May date ka bukas?” tanong ko.

Napa-igta naman siya, sa sobrang busy kasi sa ka-text niya ay hindi niya namalayang nakalapit na ako sa’kanya.

“Oo.” sabi niya lang.

Nakasimangot naman akong humiga at tumingin sa kisame. Napatingin ako sa’kanya ulit. Magkatabi kami sa iisang kama, hindi pwede yun! Kinuha ko ang tatlong unan at inilagay ito sa gitna. Mabuti na lang malaki ang kama kaya hindi ako mahuhulog kahit may unan sa gitna.

“Anong ginagawa mo?” takang tanong ni Ay-Ay at inilagay sa side table ang phone niya.

“Lumalangoy.”

Napa ‘tss’ naman siya. Hindi ko na lang siya pinansin, inayos ko ang mga unan na nasa gitna. Kinuha ko din ang nag-iisang kumot sa’ming dalawa pero napatigil ako ng biglang higitin din ito sa’kin ni Ay-Ay.

“Akin ‘to.” sabi niya sabay higit sa kumot.

Pinanlakihan ko naman siya ng mata, “Akin ‘to!” sabay higit ko din ng kumot pero hindi siya nagpatalo.

“Kumuha ka ng sa'yo, impakteta.” tinaliman niya ako ng tingin.

Aba’t ayaw talaga nitong magpatalo ‘a.

“Ako ang nauna kaya akin ito.” sabi ko din at naghihigitan na kami ng kumot.

Sinipa ko ang kamay niya pero mahigpit ang pagkakahawak niya. Ayaw niya talagang magpatalo ‘a. Humanda ka sa’king bakla ka. Ngumiti ako kasabay ng pagsipa ko sa tiyan niya pero nagulat na lang ako ng iba ang nasipa ko. Nanlaki ang mga mata niya at nabitawan ang kumot dahilan para malaglag ako sa kama.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now