Chapter 12

1.9K 97 10
                                    

Chapter 12: Spy

Isang buwan na ang nakalipas simula ng ikasal kami ni Ay-Ay. Hindi pa rin ako makapaniwalang may asawa na ako ‘e. At lalong hindi ako makapaniwalang nung last week ay bumait siya sa’kin pero minsan ay maarte at masungit pa din talaga siya sa’kin.

Tuwang tuwa nga ang baklang yun kapag inaasar ako ‘e. Imbis na mainis ay natutuwa ako na hindi ko maintindihan kung bakit. Siguro dahil yun lang ang nagiging bonding namin si Ay-Ay. Ang mag away at mag asaran.

Pumasok ako ng taxi na pinara ko. Pupunta ako ngayon sa mall para mamasyal. Weekend kasi ngayon at wala naman akong magawa sa bahay at isa pa ay wala din si Ay-Ay sa bahay dahil may pupuntahan daw siya na hindi ko alam kung saan. Dahil bored na bored na ako sa bahay namin ay naisipan kong gumala nalang sa mall. Tutal, alam ko naman kung saan iyun. Hindi ko nalang ipapaalam kay Ay-Ay dahil pinag bawalan ako ng baklang yun na lumabas.

Nagbayad at bumaba naman ako ng huminto ang taxi sa mall. Tiningnan ko na muna ang sling bag ko para kunin ang phone pero napatigil ako.

Nasampal ko ang noo ko ng maalala ko na hindi pa pala binibigay sa’kin ni Ay-Ay. Sabi niya ay bibigyan niya ulit ako ng bago pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na phone galing sa’kanya.

Pumasok nalang ako mall at bumungad sa’kin ang maraming tao naglalakad habang dala dala ang mga pinag shopping nila. Mabuti nalang may pera ako, gusto ko din mag shopping. Sumabay lang sa uso, haha.

Nagtinginan tingin ako sa mga magagandang dress dito. Grabi naman ang ilan sa mga nakikita ko, hindi ko gusto ang mga nakikita na ang balikat o saan pang parte ng katawan. Gusto ay simple lang na dress pero naubos lang ang oras ko dito na walang nabibili kaya naglibot libot muna ako.

Napahinto ako sa isang sinehan. Mukhang maganda ang palabas dito ‘a. Bumili ako ng ticket at ginaya ko na din ang ilan sa mga kasabay ko sa pagbili ng popcorn.

Pwedeng palang kumain sa loob? Ngayon ko lang nalaman.

“Ang puta, natatapon ang popcorn!”

Napatigil ako sa pagpasok sa loob ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyun. Tumingin ako sa paligid at huminto ang mga mata ko sa apat na tao.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Lance, Vero at isang babae kasama si Ay-Ay! Anong ginagawa nila dito? At diba may pupuntahan pa si Ay-Ay? Pero siguro ito yung sinabi niyang pupuntahan daw niya.

Bago pa man ako makita nila ay pumasok na ako sa loob at pumwesto sa pinaka dulo. Napasandal naman ako at dumausdos sa upuan ng makita ko silang pumasok. Kumunot ang noo ko ng makita ko ang pagkapit ng babaeng kasama nila kay Ay-Ay.

Naupo sila sa ibaba ng kinauupuan ko. Dalawang linya ng mga upuan ang pagitan namin kaya kitang kita ko ang mga pinaggagawa nila.

“Lyla, ako ang ka date mo pero si Aywayne ang sinusubuan mo.” rinig kong sabi ni Vero dun sa babae na ngayon ay sinusubuan ng popcorn si Ay-Ay at ang asawa ko naman ay kain lang ng kain sa popcorn na sinusubo ng Lyla na yun.

“Eh mas gusto ko si Eron.” sino si Eron?

“May asawa na yan, gago.” wow grabi naman makapag mura itong si Vero sa babae ‘a pero ewan natatawa ako.

“Pake ko naman, wala naman dito yung asawa niya.”

Aba’t sugurin ko kaya ang babaeng ito? Nandito kaya ako, ingudngud ko yang mukha mo sa sahig ‘e.

Kinain ko naman ang popcorn pero imbis na manood sa palabas ay nakatingin lang ako kila Ay-Ay at lalong lalo na sa Lyla na yun. Gusto kong tusukin yung kamay niya.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now