Chapter 37

1.3K 67 0
                                    

Chapter 37: Hindi maalala

"Stef." napangiti ako ng makita ko si Calvin nang makababa ako.

Naka suit siya at may dalang case. Mukhang pupunta siya sa isa sa mga kumpanya nila dito sa Pilipinas. Ilang weeks na kaming nanatili dito sa Pilipinas at busy din siya sa trabaho pero hindi siya nawalan ng oras sa'kin. At ngayon naman ang araw ng pasok ko sa pagiging doktora sa hospital ni Kuya Noel.

"Hmm?" hinalikan ko siya sa pisngi.

Napabuntong hininga siya, "Hindi na kita maihahatid dahil malayo ang hospital sa kumpanya namin at kailangan ko ding pumunta sa hotel na aasikasuhin ko din." malungkot na aniya.

Napangiti naman ako, "It's ok, magpapahatid nalang ako kay Manong."

Ngumiti siya ng tipid at hinaplos ang pisngi ko, "Wag kang magda-drive, ok?"

Tumango tango naman ako. Isa iyun sa mga ayaw kong gawin dahil sumampa pa lang ako sa unahan ng kotse kung saan ang manibela ay nanginginig na ang kamay ko at naluluha, siguro epekto iyun ng truma ko dahil nabangga nga ako diba? Kaya ako nagka-amnesia.

Hinagkan niya ako, "I love you." at hinalikan pa niya ang noo ko bago umalis.

Narinig ko ang papalayong kotse niya at napabuntong hininga nalang ako. Nitong mga nakaraang araw ay maraming mga gumugulo sa isip ko na hindi ko naman maintindihan at nung isang gabi din ay may napaniginipan ako na may kasama akong lalake na nagbabatuhan ng prutas habang nagtatawanan pero ang hindi ko naman makita ang mukha dahil walang mukha akong nakikita. Sobrang labo.

Napailing iling nalang ako. Siguro si Calvin iyun, isa siguro iyun sa mga ala-ala namin.

Lumabas na din ako ng bahay at nagpahatid kay Manong driver namin sa hospital ng Castillo. Hindi kasi ako hinintay ni Kuya Noel 'e. Gusto ko pa naman sumabay sa'kanya para mailibot at maipakilala din niya ako sa mga makakatrabaho ko dun.

Pagkarating ko sa harap ng hospital pinagbuksan ako ni Manong driver ng pinto. Nginitian ko naman siya at nag bow siya sa'kin bago umalis. Napatingala naman ako sa malaking hospital na ito. May mga labas masok din akong nakikita at may mga naka wheel chair pa. Pumasok ako sa loob at hindi naman ako pinigilan ng nagbabantay dahil parang kilala naman niya ako.

Lumapit ako sa front desk ng hospital at ngumiti ako sa mga nurse na nandito.

"Hi, can I ask?" tanong ko.

Ngumiti naman ang isang nurse at tumango, "Yes po."

"Where is Noel Castillo office?"

Natigilan naman siya at gulat na napatingin sa'kin, "Kayo po ba si Doctora Stefani Castillo?"

Ngumiti naman ako at tumango tango. Oh so they know me?

"Halika po, Doc. Ihahatid po kita sa magiging office niyo yun po kasi ang bilin sa'min ni Doc Noel." sumunod naman ako sa'kanya at pumunta kami sa magiging office ko dito.

Pinagbuksan naman niya ako ng pinto kaya pumasok na ako. Nagpaalam naman sa'kin ang nurse na aalis na at tumango lang ako. Medyo malaki din naman ang office. Inilagay ko ang bag ko sa swivel chair at kinuha ko ang coat ko. Bagay na bagay talaga sa'kin ang puting coat na ito, doctor na talaga ako. Lumabas din ako para mangamusta ng mga nurse, doctor at mga pasyente dito.

May mga nakakasalubong din akong mga nurse na bumabati sa'kin kaya bumabati din ako. Napatigil naman ako ng may isang pinto na nakakuha sa'kin ng atensiyon.

"Kay Kuya Noel ata itong office." sambit ko sa sarili ko dahil sa taas ng pinto ay may plaka dun kung saan nakalagay ang pangalan ni Kuya Noel.

Kumatok ako saba'y bukas ng pinto. May kausap siyang isang nurse at umalis din ang nurse. Binati pa niya ako bago ako tumingin kay Kuya Noel.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now