Chapter 23

1.8K 82 7
                                    

Chapter 23: Truth or Dare

Masigabong palakpakan ang maririnig sa dalampasigan ng isang Isla dito sa Palawan ng inanunsiyo na ang ganap na mag-asawa. Tapos na ang kasal nila Ate Jenel at Kuya Rowel. Hinawakan ko ang laylayan ng damit ko at lumapit sa unahan kong saan ay kukuhanan kaming lahat na mag-anak ng larawan. Pagkatapos kunan ng larawan sila Ate Jenel ay lumapit kami sa'kanila. Ngumiti naman ako ng tumabi sa'kin si Ay-Ay na nakatingin lang sa harapan.

Ang gwapo niya sa suot niyang puting suit. Naalala ko tuloy ang kasal namin noon. Matagal na din nung ikasal kami 'a. At akala ko noon ay walang mabubuong pagmamahal sa'min noon pero ngayon ay nagkaaminan na kaming dalawa. Halos hindi ako makatulog ng gabing yun dahil sa sobrang saya. Ewan ko ba, kinikilig pa rin ako hanggang ngayon.

"Tingin sa camera, 'wag sa maganda kong mukha." masungit niyang sabi ng mapansin na nakatingin ako sa'kanya.

Napanguso naman ako at napabungisngis. Minsan ang sungit niya pero minsan din ay sweet sa'kin.

Pagkatapos ng pagkuha ng larawan ay pumunta kami sa wedding reception dito.

"Kumain ka na."

Mula sa panonood ng nagsasayaw na mag-asawa ay napabaling ako kay Ay-Ay at inusog niya ang isang plate sa'kin na my lamang pagkain.

Napanguso ako, "Papatayin mo ba ako?" kumunot ang noo niya.

"What? Why would I do that?" naiinis niyang tanong.

Napakamot naman ako ng pisngi ko, "May allergy ako sa mga seafoods."

Seafoods ba naman kasi ang ipakain sa'kin 'e. Sabagay hindi naman niya alam na may allergy ako sa pagkain na ito dahil kunti palang naman ang nalalaman namin sa isa't isa.

"Oh, s-sorry." inilayo niya sa'kin ang plato na may seafoods.

Napangiti naman ako at inaangat ko ang isang kutsara na may chocolate cake.

"Say ah." napatingin naman siya sa'kin at sa kutsara.

Kumunot ang noo ko, "Anong ginagawa mo?"

Ngumuso ako, "Sinusubuan ka. Dali na, nangangalay na yung kamay ko."

Inirapan nalang niya ako pero kinain din niya iyun. Napangiti naman ako ng matamis.

Maya maya ay tumayo ako para pumunta sa comfort room dito. Nag paalam muna ako kay Ay-Ay na aalis muna at pinayagan naman niya ako basta daw ay hindi ako magtagal. Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay lumabas ako.

Hindi muna ako pumunta sa reception dahil gusto kong magpahangin muna. Nakatingin lang ako sa madilim na dagat habang nakayakap sa sarili ko. Gabi na kasi ngayon kaya medyo malamig ang simoy ng hangin. Naramdaman ko nalang bigla na may yumakap sa bewang ko mula sa likod kaya napangiti ako ng malanghap ko ang pamilyar niyang pabango.

"Sabi ko sayo huwag kang magtagal tapos nagawa mo pang magpahangin dito."

Natawa naman ako, "Gusto ko lang magpahangin 'e."

"Tss, siguro may kikitain ka dito noe?" nangunot naman ang noo ko at tiningala siya.

"Wala naman akong trabaho para may kitain ako."

Inirapan naman niya ako pero natawa siya, "Hindi ko alam kung bakit sayo pa ako nagbago. Napaka slow at tangeks mo 'e."

Pinalo ko naman ng mahina ang braso niya, "Hindi ko din alam kung bakit ako nagkagusto sayong bakla ka."

"Ang ganda ko naman kasing bakla. Kaya sinong tao ang hindi magkakagusto sa'kin?"

Napanguso naman ako sa kayabangan niya.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now