Chapter 31

1.4K 81 1
                                    

Chapter 31: Heartbreak

“B-Bakit hindi mo na ako sinundo sa school? Nangako ka sa'kin na susunduin mo ako pero hindi mo naman ginawa.” kahit natatakot ako sa itsura niya ngayon ay sinubukan ko pa ring magsalita.

“Pero naiintindihan ko naman kung bakit hindi mo na ako nasundo.” dagdag ko ulit.

Hindi naman siya nagsalita. Galit lang siyang nakatingin sa’kin na hindi ko alam kung bakit. Napayuko naman ako at ramdam ko din ang panginginig ng tuhod ko pero hindi ko pinahalata. Nakakatakot siya kapag nagagalit.

“Matutulog na ako... sa kabilang kwarto.” malamig niyang sabi.

Gulat akong napatingin sa’kanya na ngayon ay naglalakad na pataas. Naiiyak ako sa inaasta niya ngayon. Ano bang ginawa kong mali para maging ganito siya sa’kin? Dapat nga ako yung hindi siya papansinin at magiging malamig sa’kanya dahil hind niya tinupad ang pangako niyang susunduin ako sa school.

Napahinga nalang ako ng malalim at pinahiran ko ang pisngi ko na may luha na. Pumunta muna ako sa kusina para kumain. Pagkatapos kong makakain ay pumunta ako sa taas. Pagkapasok ko sa kwarto namin ay wala nga si Ay-Ay dun.

Napabuntong hininga ako at tumingin sa kabilang kwarto na katapat ko lang. Papasok na sana ako sa kwarto namin pero hindi ko magawa. Lumapit ako sa tapat ng pintuan. Itinapat ko ang tenga ko para marinig ko siya kung nandito nga ba siya sa kwarto.

Narinig ko naman ang isang mahinang tugtog. Nandito nga siya. Isinandal ko ang noo ko sa pintoan at huminga ng malalim. Kahit hindi ko alam kung bakit galit siya sa’kin ay kailangan ko pa ring mag sorry na dapat ay siya ang gumawa dahil hindi niya tinupad ang pangako niya sa’kin.

“Sorry na... kahit hindi ko alam kung ano ang ikinagagalit mo.” malungkot kong sambit, alam kung rinig niya iyun dahil mahina lang naman ang tugtog.

Pumasok nalang ako sa kwarto at naghalf bath. Pagkatapos kong magbihis ay nahiga na ako. Mag isa ako ngayon sa kwartong ito. Niyakap ko ang malambot kong unan na nasa tabi ko. Hindi ako sanay na walang yakap yakap kapag natutulog. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa pagod at antok.

Napabuntong hininga ako ng makarating ako sa kusina. Wala na si Ay-Ay, umalis na siya. Tanging mga maid nalang ang naabutan ko na inihahanda ang kakainin ko. Pagkatapos kong kumain ay nagpahatid ako sa driver ko papunta sa school.

“Nasundo ka pa ba ni Ay-Ay kagabi?” tanong ni Erin sa’kin ng makapasok ako.

Napanguso ako at tamad na naupo, “Hindi pero naabutan ko siyang nasa bahay na ang kaso ay galit siya. Hindi ko alam kung bakit.”

Nagkatinginan naman ang dalawa, “E sino ang naghatid sayo?” tanong ni Danreb.

“Si Calvin.”

“Sino namang Calvin yun?” curious na tanong ni Erin.

“Si Calvin, sabi niya ay ex daw niya si Ay-Ay. Ano ba yung ex? Example ba yun?”

Naalala ko iyong sinabi ni Calvin nung nasa Mcdo kami,

Nabulunan si Danreb sa kinakain niyang sweet, dali dali naman siyang pinainom ng tubig ni Erin. Nagulat naman ako ng batukan ako ni Erin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ang sakit niyun ‘a.

“Gaga! Ang tangeks tangeks mo talaga, Miracle.” inirapan naman niya ako.

Naguguluhan naman akong tumingin sa’kanya, “Bakit?”

“Mukhang may sisira sa’inyo ‘a.” naguluhan naman akong napatingin kay Danreb.

“Ha?” takang tanong ko.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now