Chapter 20

2K 117 3
                                    

Chapter 20: Plano

Naramdaman ko ang pagyakap niya sa bewang ko at isinubsob ang mukha niya sa leeg ko. Hindi ko pa rin iminulat ang mga mata ko, pinakikiramdaman ko lang siya.

"I know that your awake." paos niyang bulong sa tenga ko, parang ang sexy niya tuloy mag salita.

Nasaan na ba yung bakla kong asawa? Bakit hindi pa bumabalik? Kahit kinikilig ako sa Ay-Ay ngayon ay gusto ko pa rin yung maarte at mataray na bakla.

"Wife, hindi ko na kaya 'tong nangyayari sa'ting dalawa. Ilang araw ka ng galit sa'kin, at ngayon dignagdagan ko pa pero... please. Talk to me." nagmamakaawa ang boses niya kaya hindi ko na natiis.

Dumilat ako at napabuntong hininga, "Pagod ako ngayon, Ay-Ay. Gusto ko ng matulog."

Actually, kanina pa talaga pagod na pagod ang katawan ko pero hindi pa rin talaga ako dinadalaw ng antok dahil sa pag-iisip sa nangyari kanina.

"Tss. Hindi ka pa nga nagdo-doctor pero parang gusto ko ng ipahinto ka sa pagdo-doctor mo dahil alam kong mawawalan ka na ng oras sa'kin." nahimigan ko ang pagmamaktol at inis niya na ikinangiti ko pero hindi ko ipinakita sa'kanya.

"Ikaw nga kahit hindi pa architect ay wala kang oras sa'kin." mahinang sabi ko at pumikit.

Matagal na katahimikan ang namayani sa'kin. Sa oras na 'to ay parang naramdaman ko na talaga ang antok ko dahil sa pagkakayakap sa'kin ni Ay-Ay. Kumportableng kumportable ako at para akong nakalutang.

"Just... just give me time, wife. Babawi ako, kapag nakumpirma ko na itong nararamdaman ko sayo." rinig kong bulong niya pero hindi ko na nagawang sagutin dahil hinila na ako ng antok.

"Yung pinsan natin dalaga na."

"Shit, ang sweet nila."

"Kunan niyo ng picture!"

"Tangina, puno na ang storage ng phone ko."

"Putangina mo, Cliff!"

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa ingay ng paligid ko. Nanlaki naman ang mga mata ko. Nandito yung apat na pinsan ko!

"Paano kayo nakapasok dito?" takang tanong ko.

"Ginamit namin yung pinto. Alangan naman sa bintana kami dumaan." nakasimangot na sabi ni Kuya Jared.

"Kahit kailan talaga ang tanga at slow mo pa rin, baby girl." napanguso naman ako sa sinabi ni Kuya Cliff.

Napatingin ako kay Ay-Ay na gumalaw at biglang napatingin sa mga pinsan ko ng nakakunot ang noo.

"Anong ginagawa niyo dito?"

Nakatingin lang yung mga pinsan ko kay Ay-Ay at may mga ibinubulong na hindi ko marinig. Magkakilala na pala silang lahat dahil nung kasal namin ay nag-usap ang asawa ko at ang mga mag-anak namin.

Napakamot naman ako ng pisngi at bumangon sa kama. Tumingin naman sa'kin si Ay-Ay na binalewala ko lang.

"Ano palang ginagawa niyo dito, Kuya? Ang aga pa 'e."

Alas sais palang naman ng umaga 'e. Atsaka bakit nandito sila sa'min ng ganito kaaga?

"Sasama ka sa'min papunta sa Palawan." gulat akong napatingin kay Kuya Greg.

"Ha?"

"What?!"

Sabay naming sigaw ni Ay-Ay at nagkatinginan pa kami. Kumislap ang mga mata niya at umiling iling.

"Mag-ayos muna kayong dalawa, sa baba na tayo mag-usap." sabay alis nilang apat.

Bakit nila ako isasama sa Palawan? Pero ayos lang naman sa'kin kung pumunta dun dahil namimiss ko na din kasi ang dagat 'e. At ang alam ko ay maganda daw dun sa Palawan.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now