Chapter 32

1.5K 75 0
                                    

Chapter 32: Kumprontahin

“Hindi ka na ba nilalagnat? Ayos ka na ba talaga?” pang ilang tanong na ito ni Ay-Ay.

Kanina pa siya tanong ng tanong ‘e, paulit ulit lang. Tiningnan ko siya at kumain ng pancake. Nandito kami ngayon sa dining area, kumakain ng breakfast. Ihahatid niya daw ako at susunduin pagkatapos ng klase ko na hindi ko naman pinaniwalaan. Hindi naman niya iyun gagawin tulad nung isang araw.

“Kung hindi ako ok, hindi ako papasok.” inirapan ko siya at yumuko nalang sa pagkain ko.

Napabuga siya ng hangin at nagitla naman ako ng hawakan niya ang kamay ko. May kuryente kasing dumaloy ‘e. Kahit na nasasaktan ako ngayon ay mas nananaig ang pagmamahal ko sa’kanya.

“Galit ka pa rin ba?” paglalambing niya habang hinahalikan ang kamay ko.

Hindi, kasi nasasaktan ako pero hindi ko magawang magalit.

“Hindi.” malamig kong sabi at inalis ko ang kamay ko pero mahigpit niya iyong hawak.

“Sorry na.” nagpapacute ba siya?

Nag-iwas ako ng tingin sa mga mata niya. Nag puppy eyes kasi, hindi ko matagalan na tingnan baka bumigay ako.

“Busy kasi ako nung mga araw na iyun, kaya hindi kita nasundo. At kaya ako galit sayo ay dahil nakita ko kayo ni Calvin na magkayakap. Galit at nagseselos ako. Ako lang dapat ang yumakap sayo dahil akin ka lang.” hinaplos haplos pa niya ang kamay ko sa pisngi niya.

Napatunganga naman ako. Gusto kong matawa at umiyak sa sinabi niya. Gago, ang sakit na!

“Oo na, bitawan mo na ngayon ang kamay ko. Male-late na ako.” napangiti naman siya sa sinabi ko at hinalikan pa ang kamay ko bago ko bawiin.

Pagkatapos naming kumain ay inihatid na niya ako. Pinagbuksan naman niya ako ng kotse ng nasa harap na kami ng gate ng school.

“Susunduin kita mamaya ‘a.” bakit ba ang lambing lambing niya ngayon?

“G.” simpleng sabi ko at aalis na sana pero hinila niya ang ako.

“G? Yun lang, wala bang kiss at Iloveyou?” natawa naman ako ng sumimangot siya.

Para hindi niya mahalata na nasasaktan ako ngayon ay lumapit ako sa’kanya at tumingala. Yumuko naman siya sa’kin sa pag-aakalang bibigyan ko siya ng kiss. Kinurot ko ang pisngi niya na ikinabusangot niya. Ngumiti ako at mabilis siyang hinalikan sa tungki ng ilong.

“I love you, bakla.”

Mahal na mahal kita, kahit ang sakit sakit na.

“I love you too, wife!” rinig kong sigaw niya dahilan para tumingin sa’kin at sa’kanya ang mga estudyante na kinikilig.

Naglalakad ako sa corridor ng biglang may sumabay sa’king tao. Napatingala naman ako at ang nakangiting si Calvin ang nakita ko. Gulat at nagtataka naman akong tumingin sa’kanya.

“I transfer here. Katulad mo ay med student din ako.” ngiting ngiti na sabi niya.

Kailan pa ito nag transfer dito? Gusto ko sana siyang layuan pero magtataka siya kung bakit ko iyun ginagawa. Mabait naman siya sa’kin at parang wala naman na namamagitan sa’kanila ni Ay-Ay.

“Tinatanong?” masungit kong sabi, gusto ko siyang suntukin.

Bakit kasi bumalik pa siya?! Masaya na kami ‘e.

“Ayos na ba kayo ni Eron?” maya mayang tanong niya.

Taka ko naman siyang tiningnan, “Sinong Eron?”

My Husband is GayWhere stories live. Discover now