Chapter 30

1.6K 75 2
                                    

Chapter 30: Broken promises

Inirapan naman niya ako at sinimulang i-start ang kotse.

“Nilait pa ako.” natawa naman ako.

Napatingin ako sa labas, maghahapon na pala. Ang tagal naman namin sa Mcdo. Naisip ko lang ulit kung bakit ganun ang galit ni Ay-Ay dun kay Calvin. Hindi naman siya ganun kapag may lumalapit sa’king lalake, galit lang siya pero kay Calvin ay galit na galit parang handa niyang patayin iyun ‘e. Magkakilala kaya sila? Napatingin ako kay Ay-Ay na tahimik na nagmamaneho. Gusto ko sanang tanungin sa’kanya pero baka mag-away naman kami katulad ng nangyari kanina, muntik pa nga kaming mabangga.

Pagkarating namin sa bahay ay sumalubong sa’kin si baby Ay-Ay na tumatahol. Kinarga ko siya at natawa ako dahil dinidila-dilaan niya ang pisngi ko. Miss na miss na siguro ako. Ipinaalaga ko muna kasi siya kay Mama dahil hindi ko siya maalagaan ng mabuti, busy kasi parati ‘e.

“Bakit ka nandito baby ha?” tanong ko.

Narinig ko naman ang pagsinghap ni Ay-Ay kaya napatingin ako sa’kanya. Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin kay baby Ay-Ay na tinataholan siya.

“Bakit ganyan ka makatingin kay baby Ay-Ay?” takang tanong ko.

Inirapan niya ako, “Mukhang mas baby mo pa ang asong yan kesa sa’kin. Mas cute naman ako sa’kanya ‘a.” napasimangot siya na ikinatawa ko.

Inangkla ko ang isang braso ko sa'kanya dahil nakahawak ang isa ko ding braso kay baby Ay-Ay.

“Matanda ka na kasi, kaya hindi kita baby. E itong puppy ko ay baby pa rin noe.” nakiliti na naman ako ng dinilaan ni baby Ay-Ay ang pisngi ko.

“Grabi ka makatanda ‘a.” napatingin ulit siya sa baby ko na dinidilaan pa rin ang pisngi ko, “Tanginang aso yan, kapag ako napuno isusupal-pal ko ang bibig niyan kakadila sayo.”

Pinalo ko ang braso niya, “Huwag mo nga siyang murahin.”

Inirapan niya nalang ako at pumasok na kami sa bahay. Nagulat ako ng makita ko si Mama na prenteng naka-upo sa sofa habang umiinom ng kape.

“Ma, ano pong ginagawa niyo dito?” tanong ko at ibinaba ko si baby Ay-Ay na tumakbo naman kay Mama.

Nagmano naman kaming dalawa kay Mama at naupo.

“Ayaw mo bang nandito si Mama, nakakatampo ka naman sweetie.” sumimangot si Mama na ikinatawa ko.

Manang mana talaga ako sa’kanya.

“Syempre gusto po.” ngumiti ako at tumingin siya kay Ay-Ay.

“Kamusta na kayong dalawa?” nakangiting tanong niya.

“We’re ok, mom. Medyo sumasakit lang parati ang ulo ko sa makulit niyong anak.” napanguso ako sa sinabi niya at natawa naman si Mama.

“Pagpasensyahan mo na iyang asawa mo, ganyan talaga iyan.” nagkwentuhan lang kaming tatlo at umalis din si Mama dahil may gagawin pa daw siya.

Dumalaw lang siya sa’min para mangamusta. Hindi ko sinabi kay Mama ang nangyari sa’min kanina dahil baka mag-alala naman siya. Hindi ko na din ibinalik si baby Ay-Ay kay Mama dahil ako na ang mag-aalalaga sa’kanya. Nagluto na din si Ay-Ay ng panghaponan namin at pumunta naman ako sa taas para makapag palit. Bumaba din ako pagkatapos at pumunta sa dining area.

Tinulungan ko siyang ilapag ang niluto niya sa mesa. Tumunog ang phone ko kaya napatigil ako sa ginagawa ko. Kinuha ko iyun at dali daling sinagot ng makita ko ang caller, si Erin.

“Hello.” bati ko.

“Miracle, sorry pala kagabi dahil hindi ako nakapag paalam na umalis.” nahihimigan ko ang lungkot sa boses niya at napangiti naman ako.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now