Chapter 15

1.9K 99 1
                                    

Chapter 15: Confirm

Imbis na magkulong sa bahay ay lumabas ako para maglibot libot man lang dito sa village namin. Kahit hindi maganda ang pakiramdam ko ay umalis pa rin ako ng bahay pero naka sweat shirt. Nilalamig kasi ako kahit ang init naman.

Umupo ako sa bench na malapit sa malaking puno kaya hindi ako naiinitan. Napa krus arm ako at pumikit. Ang sama talaga ng pakiramdam ko pero wala namang mag-aalaga sa’kin dahil nasa kaibigan si Ay-Ay. Sana sinabi ko na lang na may sakit ako para hindi na siya umalis.

“Bakit dito ka pa nagdadasal, baks?”

Napamulat ako at gulat na napatingala sa taong nasa harap ko. Si Danreb! Bakit nandito na naman ‘to? At anong ginagawa niya dito?

“What are you doing here?” tanong ko ng maka upo siya sa tabi ko.

Uminom muna siya ng hawak niyang yakult, “Binisita ko lang ang pinsan ko dito. Dito din pala kayo nakatira sa village na ‘to?”

“Hindi ba obvious?”

Umirap naman siya sa’kin. Nakatingin lang ako sa’kanya at naalala ko na naman kung bakit tumitibok ng mabilis ang puso ko pag nandyan si Ay-Ay at parang may kumikiliti sa kaloob-looban ko. Ano kaya kung sabihin ko kay Danreb ang nararamdaman ko? Baka kapag sinabi ko ay alam niya ang nararamdaman ko. Hindi ko na kasi alam ang nararamdaman ko ‘e, baka matulungan ako ni Danreb sa problema ko.

“Alam ko naman na sobrang gwapo ko, baks. Pero huwag mo naman akong tunawin.” bigla siyang nagsalita.

Napanguso naman ako, “Paano ka matutunaw? Ice cream ka ba? Yelo?”

Sinamaan naman niya ako ng tingin na napakamot naman ako ng ulo ko.

“Kanina ka pa tulala sa kagwapuhan ko kaya itanong muna kong anong bumabagabag sayo.”

Paano naman niya nalaman na may itatanong ko? Mangkukulam siguro ‘to ‘e. Pero kailangan ko talagang malaman ang sakit kung ito baka matulungan niya ako.

Napabuntong hininga ako at tumingin sa mga batang naglalaro.

“Gusto ko lang malaman itong nararamdaman ko.” itinuro ko pa ang dibdib ko, “K-Kasi... kapag nandyan si Ay-Ay ay ang bilis ng tibok ng puso ko at parang may kumiliti sa tiyan ko. Kapag naman may mga nakikita akong mga babae o lalake na dumidikit sa’kanya ay parang gusto kong ingudngud sila ‘e.” napasimangot naman ako.

Natahimik siya kaya naman napatingin ako sa’kanya. Nakatingin lang siya sa’kin at hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Napabuntong hininga siya at nag iwas ng tingin.

“Gusto mo na siya, siguro nga mahal mo na siya.” mahinang sabi niya pero rinig ko naman.

Napahawak ako bigla sa dibdib ko. Gusto ko na yung asawa ko? Mahal ko na siya? Anong... Bakit ko naman siya magugustuhan? Kahit anong pag-iisip ko ay hindi ko malaman kung bakit ko siya magugustuhan.

“I-Imposible.” nasambit ko.

Tiningnan niya ako, “Yun ang totoo. Mahal mo na yung asawa mo.”

“Paano ko naman siya magugustuhan?” umiling iling na sabi ko.

“Bakit hindi mo itanong sa sarili mo?”

Tumingin ako sa’kanya, “Hindi ko alam.”

Napabusangot siya, “Alam mo, yung mga taong nakakaramdam ng ganyan na hindi malaman kung bakit nila nagugustuhan ang taong yun ay ang tawag dun ay mahal mo na siya. Hindi mo lang siya gusto kundi mahal mo na siya.”

Mahal ko na si Ay-Ay? Pero hindi ko alam kung bakit natatakot ako. Siguro natatakot lang ako na hindi kami parehas ng nararamdaman. Masakit siguro yun noe? Yung ikaw lang ang nagmamahal sa’inyong dalawa.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now