Chapter 8

1.8K 87 3
                                    

Chapter 8: Kapatid

“Kuya!”

Napatigil naman ako sa pag akyat ng marinig ko ang malakas na sigaw at iyak ng isang bata sa may pool. Kumunot ang noo ko at imbis na dumiretso sa taas ay pumunta ako sa may pool.

Napanganga naman ako ng may nakita akong batang lalake na umiiyak. Namumula ang pisngi at mata niya. Naka pout din siya. Ang cute naman ng batang ito.

“Hoy bata, anong ginagawa mo dito ha? Sino ka?” tanong ko dito at lumapit sa’kanya.

Sa pag kakaalam ko ay wala namang bata kaming inaalagaan ni Ay-Ay ‘e. Saan ba galing ang batang ito? At paano ito dito nakapasok? Pero hindi naman imposibleng hindi siya makapasok dito dahil may pinto naman kami. Ang laki pa nga ng pinto kaya kasyang kasya ang maliit na batang ito.

Nagulat na lang ako ng bigla siyang umiyak ng malakas.

“Huwag mo kasing takutin.”

Napatingin naman ako kay Ay-Ay na may bitbit na baso ng gatas. Napatayo naman ako.

“Kuya!” sigaw ng bata na ikinagulat ko.

Lumapit ito kay Ay-Ay at yinakap ang binti niya. Ang cute nilang tingnan.

“I told you to call me Ate or Sistah not Kuya.” masungit na sabi niya dito.

“But you’re boy!” nakangusong sabi ng bata.

“Kapatid mo yan?” gulat ko pa ring sabi at itinuro ang bata.

“Hindi ba obvious?” umirap naman siya.

Naglakad siya kahit nakayakap ang kapatid niya sa binti niya. Hindi ko naman mapigilang matawa habang nakatingin sa’kanila. Naupo si Ay-Ay at inaabot sa kapatid niya ang gatas na dala niya kanina.

“Ubusin mo yan ha?” utos niya sa kapatid niya at may kinuha siya na kung anong bagay at ikiniskis niya sa kuko niya.

Napatingin naman ako sa kapatid niyang naubos na pala ang gatas at nakatingin sa’kin. Napangiti naman ako at lumapit sa’kanya. Lumuhod ako para magpantay kaming dalawa.

“Hi, what’s your name? Ayaw kasing sabihin ng kuya mo ‘e.” napanguso naman ako

He giggled, “My name is Dwayne Del Vecho.”

Ang ganda naman ng pangalan nila noe? Lalo na kay Ay-Ay. Samantalang ako isang himala, kasalanan bang– este Miracle pala.

“How old are you na?” ngiting ngiting sabi ko.

Again, napabungisngis naman siya. Ang sarap kurutin ng pisngi niya ‘e, ang tambok at chubby din ang braso at hita niya.

“I’m...” natigil naman siya habang binibilang ang maliliit niyang kamay, natawa naman ako.

“I’m 10 years old!” masayang sigaw niya habang pumapalakpak pa.

Hindi ko na naman mapigilan ang matawa at pisilin ang pisngi niya.

“4 years old ka pa lang, duhh edad mo lang ay hirap na hirap ka ng magbilang.” biglang singit ni Ay-Ay.

Nanlaki naman ang mga mata ko lalo na ng makita ko ang pamumula ng mata at ilong ni Dwayne habang nakatingin sa kuya niya.

“You’re bad! Kapatid mo siya!” sigaw ko sa’kanya at malakas kong tinampal ang braso niya.

“Ouchi, that’s hurts!” sigaw din niya sa’kin.

Inirapan ko na lang siya at binuhat si Dwayne. Pumasok na lang kami sa loob at naglakad papunta sa taas.

“Ang galing!” nagpapalakpak na sabi ni Dwayne ng ilapag ko siya sa kama.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now