Chapter 25

1.8K 83 8
                                    

Chapter 25: Can't control

(Spg na talaga siya, promise haha)

"Woah! Go asawa ko!" sigaw ko habang tumatalon.

Nagkakarera sila Ay-Ay, Kuya Santi at si Noel ngayon ng jetski. Lahat ng mga pinsan ko ay sumali din pero ngayon ay ang tatlo na naman. Nangunguna si Kuya Santi pabalik dito. Pumapangalawa naman si Noel at huli si Ay-Ay pero alam kong mananalo siya kahit alam kong mas magaling sa'kanya si Kuya Santi.

"Santino is won!" malakas na sigaw ng pinsan ko ng matapos ang laban.

Napanguso naman ako. Si Kuya Santi nga ang nanalo. Bakit ba kasi ang galing galing niya pag dating sa pangangarera? Kahit pala sa dagat ay siya ang nangunguna.

"Oh." abot ko ng towel kay Ay-Ay.

Masaya naman ako kahit hindi siya nanalo pero naiinis ako dahil kanina pa siya pinagtitinginan ng mga babae at may pa simple pang maglalakad tapos titingin sa'kanya. Naka board short lang naman kasi siya 'e, wala siyang pang taas na damit. Sinong hindi maaakit sa napakaganda niyang katawan?

"Hey, bakit ganyan ang mukha mo?" natatawang sabi niya.

Napanguso naman ako, "Ganito na talaga ang mukha ko. Maganda."

"Tss. Mas maganda kaya ako." inirapan naman niya ako na ikinatawa ko nalang.

Magsasalita na sana ako ng may tumawag sa'kin kaya napatingin ako kila Ate Daisy.

"Miracle!" lumapit siya sa'min at inangkla ang braso niya sa'kin, "Hiramin muna namin itong wifey mo 'a." kinindatan niya si Ay-Ay at hinila nalang niya ako kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa'kanya.

Pumunta kami sa isang cottage dito at nakita ko ang dalawang girlfriend nila Kuya na naka bra at panty. Nalaglag ang panga ko sa gulat.

"B-Bakit kayo naka bra at panty?" gulat kong tanong na ikinatawa nila.

"Totoo nga ang sabi ni Tark tungkol sayo, ang cute cute mo at nakakatuwa din. Anyway, hindi ito bra at panty. Two piece ito girl, ano ka ba." tinuro pa ni Ate Cass ang suot niyang two piece daw na kulay black.

In fairness, ang ganda ganda ni Ate Cass lalo na ang dalawa. Ang galing pumili ng mga pinsan ko dahil bukod sa maganda ay mababait din sila.

"Ah. E ano pong ginagawa ko dito?" takang tanong ko dahil hindi ko naman alam kung bakit ako nandito.

Si Ate Daisy kasi 'e, basta nalang ako hinila dito ng hindi man lang sinasabi kung anong gagawin ko dito.

"Huwag po nga kaming ma 'po-po' dyan. Mas mataas man ang edad namin sayo ay huwag mo naman kaming gawing matanda." nakangusong sabi ni Ate Daisy na naka suot din ng two piece na kulay yellow.

"Totoo naman talaga po 'e. Matanda kayo kesa sa'kin."

Napasimangot ang dalawa habang si Ate Hazel ay natatawa habang may hinahalungkat sa bag niya. Naalala ko tuloy na nag sorry sa'kin kanina ai Ate Hazel tungkol sa nangyari kagabi dahil nga diba siya yung nag utos na halikan ako ni Noel pero sabi ko ay ayos lang kasi nagbati naman kami ni Ay-Ay kagabi. And speaking of kagabi, bigla akong namula nung maalala ko ang ginawa ni Ay-Ay sa'kin.

"Hog bhe, bakit pulang pula ng pisngi mo? Na-iimagine mo ang baklang asawa mong hot noe." pinalo pa ako ni Ate Daisy sa balikat habang tawang tawa.

Mabilis naman akong umiling, "H-Hindi 'a."

"Deny deny ka pa." natawa ang dalawa at nag apir na mas lalong ikinapula ng pisngi ko.

Natigil lang silang dalawa ng tumayo si Ate Hazel at iniharap sa'min ang two piece na kulay puti, terno.

My Husband is GayOn viuen les histories. Descobreix ara