Special Chapter

2.1K 104 37
                                    

Kakabukas ko palang ng pinto ay bigla akong niyakap ni Miracle.

“I’m tired.” niyakap niya ako ng mahigpit at inihilig niya ang ulo niya sa leeg ko.

Natawa naman ako ng mahina at hinaplos ang buhok niya. Kaka-uwi niya lang ngayon galing sa hospital niya. Nung birthday niya ay iniregalo ko sa’kanya ang hospital na iyun at ako mismo ang nagplano ng lahat. Simula sa design at sa mga materyales na kailangan. Sa sobrang tuwa niya sa’kin noon ay naiyak nalang siya at yinakap ako.

“Palagi mo nalang pinapagod ang sarili mo. Paano tayo magkaka-baby niyan?” napanguso siya sa sinabi ko na ikinatawa ko nalang.

May ibinulong siya pero hindi ko naman narinig.

“What?” tanong ko.

“Wala, lika na. Kain na tayo, gutom na ang tiyan ko.” hinila niya ako papunta sa dining area at sakto namang natapos na ang mga maid sa paghahanda.

Naupo kaming dalawa at nakangiti ko siyang tiningnan pero nawala din iyun. Nangunot ang noo ko.

“Wife, bakit mo pinaghahalo ang suka at toyo? At isasaw-saw mo ang fried chicken dyan?” gulat kong tanong dahil sa ginagawa niya.

Napanguso naman siya at isinawsaw ang fried chicken dun sa hinalo niyang toyo at suka.

“Ito ang gusto ko ‘e. At 'wag ka ngang mangialam dyan, kumain ka nalang.” inirapan niya ako.

Napataas nalang ang kila ko at bumuntong hininga. This past few days, ay ang weird ng mga kilos niya. Weird din ang mga kinakain niya at ang takaw niya kahit na dati na siyang matakaw. Tapos minsan ko pa siyang nahuli na nasa banyo habang nagsusuka pero sinabi niyang ayos lang siya. She's weird, really.

Pagkatapos naming kumain ay nagbihis na ako ng pangtulog at nag half bath naman siya. Lumabas siyang humihikab na, antok na antok na talaga ang asawa ko. Yinakap ko siya at tiningala naman niya ako.

“Gusto mo bang ako na ang magbihis sayo?” kumunot ang noo niya at inirapan niya ako.

Lagi nalang itong masungit sa’kin ‘a. Nakakahalata na ako, baka ayaw na sa’kin ng asawa ko. Shit! Hindi pwede ‘to, baka kinabukasan ay wala na siya sa tabi ko. Baka ipagpalit na niya ako dahil bakla ang asawa niya.

Lihim naman akong napamura. Kailangan kong matawagan yung mga kaibigan ng asawa ko para malaman ko kung may kinakatagpo ba siya.

“Heh! Baka saan pa mapunta yang pagbibihis mo sa’kin.” tinalikuran niya ako at pumunta sa walk in closet niya.

Kinuha ko naman ang phone ko at pumunta sa veranda. Tinawagan ko ang number ni Erin at sumagot naman ito.

“Hello, hello?”

Napairap naman ako, “Anong nangyayari sa asawa ko? Bakit ang sungit sungit niya sa’kin? May iba na ba siya?” diretso kong tanong.

Malakas siyang natawa, “You don’t trust your wife?”

“I trust her.” walang pag-alinlangan kong sabi.

“Ayun naman pala ‘e. Kung May tiwala ka sa asawa ko, 'wag kang mag-isip ng ganyan. Atsaka baka... ano...”

Nagsalubong naman ang kilay ko. Anong ano? Bakit hindi niya matuloy?

“Ano?”

“Wala! Baka magalit pa sa’kin kung sasabihin ko ang surprise niya.” sabay patay niya ng tawag.

Napatingin ako sa phone ko na patay na. Anong surprise? At ang asawa ko isu-surprise ako? Bumalik ako sa loob at nakita ko siyang nakadapa sa kama. Natawa naman ako dahil nakanguso ang labi niya at nakapikit. Mukhang pagod talaga siya. Lumapit ako sa’kanya at bahagyang tinapik ang pisngi niya.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now