Chapter 33

1.5K 70 0
                                    

Chapter 33: Papers

“No! Fuck, no! Wife, I don’t fucking love him anymore!” mabilis niyang sigaw na ikinagulat ko.

Nantili lang akong nakatayo at nakatingin sa’kanya. Galit pa rin ang mga mata niya. Napayuko naman ako at napalunok. Totoo kaya ang sinasabi niya?

“Bakit ba ganyan ka mag-isip? Hindi ko na siya mahal dahil ikaw na ang mahal mo ngayon. Kaya nga diba handa akong magbago para sayo dahil mahal na mahal kita, tapos sasabihin mo lang na gusto ko pa ang taong yun! Hindi na ako katulad ng dati, Miracle! Nagbago ako dahil sa pagmamahal ko sayo!” sigaw niya sa’kin, wala naman akong nagawa kundi ang humikbi.

“Y-Yung nakita mo ay business lang iyun, kahit ayaw ko siyang kasama ay wala akong magawa dahil kailangan para sa kumpanya. Kailangan ko siyang pakisamahan at kaya ko pinatay ang tawag mo dahil ayaw kong maghinala ka kasi alam ko na alam mo na ang nakaraan namin. Yun lang yun.”

Napatingin ako sa’kanya at nagulat naman ako ng may tumakas na luha sa mga mata niya. Bigla niya akong yinakap kaya napasubsob ako sa dibdib niya.

“Wag ka ng mag-isip ng ganun, please. Dahil ikaw yung mahal ko, ikaw lang. Tapusin na natin itong away na ito, please? Hindi ko na kaya na ganito tayo.” lumuluhang sabi niya.

Napaiyak naman ako sa dibdib niya at yinakap siya ng mahigpit. Naniniwala ako sa’kanya, naniniwala ako.

“S-Sorry, akala ko kasi...” humikbing sabi ko.

Tiningnan niya ako at pinahiran niya ang pisngi ko na puno ng luha.

“Stop thinking about that. Hindi ko magagawang ibalik ang pagmamahal sa’kanya gayung ikaw na ang mahal na mahal ko.” ngumiti siya at tumango tango naman ako.

“Naniniwala ako sayo.” yinakap ko ulit siya ng mahigpit.

Bahagyang gumaan din ang pakiramdam ko dahil sa mga sinabi niya. Nawala na ang mga pagdududa ko at ang sakit na nararamdaman ko dahil alam kong totoo ang mga sinabi niya. Alam ko yun, nararamdaman ko.

“Umuwi na tayo, bawal ka sa lugar na ito.” inalalyan niya akong maglakad habang ako ay nakayakap lang sa’kanya.

Pagkapasok namin sa kotse ay isinandal ko ang ulo ko sa bintana. Naramdaman ko ulit ang hilo at sakit.

“Matulog ka na, alam kong nahihilo ka.” tumango naman ako at ipinikit ko na ang mga mata ko.

“Mahal na mahal kita at hindi ko kayang wala ka.” narinig ko pang sabi niya hanggang sa hatakin na ako sa kadiliman.

Nang dahil sa mainit na ilaw na tumatama sa mukha ko ay nagising ako at napaupo pero napahiga din ako dahil sa sakit ng ulo ko.

“Argh, sakit.” daing ko habang nakahawak sa sentido.

Napatingin naman ako sa tabi ko at nakita ko si Ay-Ay na mahimbing ang tulog. Humigpit ang yakap niya sa bewang ko. Nagtaka naman ako dahil hubad siya pero nakatakip naman ang kumot ang katawan niya.

Nakapa ko ang dibdib ko at nanlaki ang mga mata ko. Napatakip ako ng mukha at tahimik na tumili. Hubad din ako! At naalala ko ang nangyari kagabi ng makauwi kami. Bakit ba kasi ang init init kagabi?

Dahan dahan kong tinanggal ang braso niya sa bewang ko. Nagtagumpay naman ako at pumunta ako sa banyo para maligo. Wala naman akong pasok ngayon pero marami akong gagawin. Pagkatapos kong makaligo ay nagbihis na din ako.

Tulog na tulog pa si Ay-Ay ‘a, mukhang napagod kagabi. Namula na naman ang pisngi ko at hinalikan ko siya sa pisngi bago lumabas.

Pagpunta sa kusina ay naghahanda na ang mga maid ng pagkain. Ngumiti naman ako sa’kanila at tumulong. Ayaw sana nila pero dahil makulit ako ay wala na silang nagawa.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now