Chapter 41

1.9K 95 1
                                    

Chapter 41: I love you

“Anak, anong nangyari sayo? Akala namin ay wala ka na.” sabi ni Papa.

Napatingin ako kay Mama na natutulog habang hawak ang kamay ko ng mahigpit. Ngumiti naman ako kay Papa.

“Hindi na iyun mahalaga, pa. Ang mahalaga ay bumalik na ako.”

Ngumiti naman si Papa at yinakap ako ng mahigpit, “Ang prinsesa ko, nagpapasalamat ako sa diyos dahil buhay ka.” napaiyak na si Papa kaya hindi ko maiwasang umiyak din.

Yinakap ko siya ng mahigpit, “Hindi na ako mawawala, Papa.”

Ilang linggo ang nakalipas ay wala akong ginawa kundi ang alagaan ng mabuti si Mama, dahil doctor ako ay ginamot ko siya dito sa bahay. Habang tumatagal ay bumabalik na ang lakas ni Mama at sabay pa kami parating nag-e-exercise kasama si Papa. 'Yun na ang parating bonding namin.

Halos hindi na nga ako palabasin nila sa bahay dahil baka mawala na naman daw ako na ikinatawa ko nalang. Si Papa naman ay dito na rin muna siya sa mansion magtatrabaho, mahalaga daw kaming dalawa ni Mama kesa sa kumpanya na labis kong ikinatuwa.

Pero kahit anong sayang nararamdaman ko ngayon ay may kulang pa rin. Miss na miss ko na si Ay-Ay, hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa’kanya. 

“Anak, wala ka bang planong bisitahin si Aywayne?” kumakain kami ng dinner ng itanong iyun ni Mama.

Napabuntong hininga naman ako, “G-Galit po kaya siya sa’kin, Ma?”

Nagkatinginan silang dalawa bago sa’kin.

“Sweetie anak, kung naging miserable ang buhay namin ng mawala ka ay mas naging miserable ang buhay niya. Simula ng akala namin ay wala ka na ay lagi siyang umiinom at napapabayaan na din niya ang sarili niya.” hindi naman ako makapagsalita at naramdaman ko ang panunubig ng mga mata ko.

“Nung nakaraang taon, dinalaw namin siya pero hindi namin inaasahan na ang bubungad sa’ming Aywayne ay umiiyak habang tinatawag ang pangalan mo. Nung nalaman kasi namin anak na wala ka ay hindi siya umiyak, nilunod lang niya ang sarili niya sa pag-iinom kaya nagulat talaga kami ng makita namin siyang umiiyak habang tinatawag ka.”

Hindi ko na napigilang umiyak dahil sa nalaman ko. Anim na taon akong nawala at alam kong napaka hirap sa’kanya na makabangon ulit. Matagal siyang naghirap dahil sa pagkawala ko at gusto kong matapos na ang paghihirap niyang iyun. Gusto ko ng sabihin sa’kanya na naaalala ko na siya.

Pagkatapos naming kumain ay ipinagpahinga ko muna si Mama sa kwarto nila. Si Papa nalang daw ang bahala sa’kanya, gawin ko daw ang gagawin ko ngayon.

Nagsuot ako ng sweater dahil malamig na sa labas. Nilakad ko lang papunta sa bahay namin ni Ay-Ay dahil malapit lang naman iyun at nasa iisang village lang naman kami. Pagkarating ko sa gate ng bahay ay pinagbuksan naman nila ako. Ngumiti ako sa’kanila bago pumasok.

Wala na akong nakikitang mga maid sa sala, baka naghahanda na silang matulog. Umakyat ako papunta sa taas at tinunton ang kwarto namin. Bubuksan ko na sana iyun ng may narinig akong nabasag.

Nanlaki ang mga mata ko at napapasok ng wala sa oras. Gulat akong napatingin kay Ay-Ay na nasa lapag habang may hawak na alak. Nakayuko siya kaya hindi niya ako nakitang pumasok. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto, sobrang dilim at may bubog din ng bote sa lapag. Huminga naman ako ng malalim dahil parang hindi ako makakapag salita sa pinipigilang pag-hikbi.

“Ay-Ay...” nabasag ang boses ko.

Natigilan siya at dahan dahang inangat niya ang ang ulo niya. Namumula ang mga mata niya at mukhang lasing na lasing talaga siya.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now