Chapter 24

1.7K 89 2
                                    

Chapter 24: Nag-iinit

(Meds spg haha)

Napahawak ako sa labi ko ng binitawan na niya ako. Sandali pa akong napatulala hanggang sa bumalik ako sa katinuan ng tumayo si Ay-Ay at naglakad papalayo sa’min. Napatingin ako sa kamay niyang nakakuyom. Napatayo ako bigla, lagot galit siya! Parang manununtok ang kamay niyang nakakuyom.

Sinundan ko siya hanggang sa napatigil siya sa paglalakad sa isang parte dito na madilim, napatigil din ako. Napaigta naman ako ng bigla niyang sipain ang buhangin at galit na sumigaw.

“B-Bakla...” nauutal na tawag ko.

Napatigil naman siya at napatingin sa’kin. Mabuti nalang ay may kunting liwanag kaya nakikita ko siya kaso ay napaiwas ako ng tingin dahil sa galit niyang mukha.

“Bakit ka sumunod?! Dun ka na sa Noel mo!” galit niyang sigaw sa’kin.

Napakagat naman ako ng labi at lumapit sa’kanya ng kunti.

“S-Sorry, hindi ko alam na gagawin niya yun.” napayuko naman ako.

“Pero hinalikan pa rin niya ang labi mo na pagmamay-ari ko! At talagang sa harap ko pa!” niluwagan niya ang neck tie niya at ginulo ang buhok bago tumingin sa’kin.

“Dun ka na! Ayaw kitang makita.” tinalikuran niya ako kaya uminit ang sulok ng mga mata ko.

Napayakap ako sa’kanya at naramdaman ko ang pagkagulat niya. Humikbi ako habang nakasubsob sa likod niya.

“S-Sorry na, please? Ayaw kong magalit ka sa’kin.” umiiyak na sabi ko sa’kanya.

Ayaw kong magalit siya sa’kin, hindi ko kaya na ganun siya. Tinanggal niya ang pagkakayakap sa’kin at humarap sa’kin.

“Arhg! Ano ba! Dapat galit ako ‘e!” naiinis niyang sigaw na ikinataka ko.

“Ano–” bago pa man matuloy ang sasabihin ko ng bigla niyang hawakan ang pisngi ko at hinalikan.

Nagulat pa ako sa una pero sumabay din ako sa galaw ng labi niya. Nalalasahan ko ang alak na ininom niya kanina. Ang tamis.

Habol ang hininga namin ng bumitaw siya at hinila niya ako papalapit sa’kanya bago tinitingnan ng seryosong tingin.

“Subukan ulit niyang halikan ang labi mo dahil hindi ako magdadalawang isip na basagin ang mukha niya.” nag igting ang panga niya at humigpit ang pagkakapit sa bewang ko.

“H-Hindi ka na galit?” pagkukupirma ko pero ngumisi siya na ikinatayo ng balahibo ko.

“Sinong nagsabi na hindi na ako galit sayo? Wife, marupok ako pero galit pa rin ako. And because of that I’ll punish you really hard.”

“Ha? Pero hinalikan mo na ako.” napanguso naman ako.

“Ako lang kasi ang pwedeng humalik sayo kaya inalis ko ang king inang bakterya ng doctor na yun.”

Napasimangot ako, “W-What is your punishment to me?”

Ngumisi siya at nagkagat ng labi na ikinataka ko. Hinaplos niya ang buhok ko at tiningnan ako ng taimtim.

“You know, Wife. Kahit bakla ako ay kaya pa rin kitang buntisin.” paos niyang sabi na ikinataka ko, “Diba gusto mong magkaroon na ng baby?”

Lumiwanag ang mukha ko sa sinabi niya. Gustong gusto ko ng magkaroon ng baby naming dalawa ‘e. Pero biglang nawala ang ngiti ko ng may maalala ako.

“Yes, kaso ay bawal pa daw mag-baby ang mga med student.” napayuko ako.

“What?” hindi makapaniwalang tanong niya kaya napaangat ako sa’kanya ng tingin at tumango tango.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now