Chapter 10

1.9K 94 7
                                    

Chapter 10: Away

Tahimik lang kaming kumakain na dalawa. Tanging kutsara't tinidor lang ang maingay sa dining room. Napatingin ako sa'kanya, pinagmasdan kong mabuti ang paggalaw niya.

Parang babaeng babae kong kumain at ngumuya. Hiniwa niya ang beef steak niya at tinusok ng tinidor sabay subo. Wow, napakahinhin naman kung kumain.

"Kapag hindi ka pa nag iwas ng tingin, tutusukin ko kayang dalawang mata mo."

Nakain ako bigla ng kinakain ko sa sinabi niya at nag iwas ng tingin. Tinitingnan ko lang naman siya 'e, basta talaga kapag tumitingin ako sa'kanya ay ayaw na ayaw niya. Ako na ang naghugas ng pinagkainan namin ng matapos kaming kumain habang siya ay umakyat na.

Pinunasan ko ng towel ang kamay ko at aalis na sana ng biglang tumunog ang phone ni Ay-Ay na naiwan pala niya dito. Napatingin muna ako sa may sala, baka bigla kasing sumulpot si Ay-Ay.

Tiningnan ko ang phone ni Ay-Ay, isang text ang nabasa ko.

Mamayang 10 sa Red Bar. Kasama ang barkada!

Kumunot ang noo ko ng mabasa ko iyun. Napatayo nalang ako bigla ng sumulpot si Ay-Ay at ngitian ko nalang siya. Tiningnan niya ako bago kinuha ang phone niya at umalis.

Red Bar? Ano kaya yun? At saan yun? Napatingin ako sa hagdanan at nag-isip isip. Kung sundan ko kaya siya mamaya? Parati nalang kasi siyang madaling araw kong umuuwi 'e. Wala naman masama kong sundan ko siya ng hindi niya nalalaman and besides, asawa naman niya ako. Dapat malaman ng babae ang mga ginagawa ng kanilang asawa, naalala ko ang sinabi sa'kin ni mama noon.

Umakyat naman ako at pumanta nasa kwarto namin. Tanging lamp shade lang ang nagbibigay liwanag sa buong silid. Napatingin ako sa may veranda at nakita ko ang anino niya dun.

Pumasok muna ako sa banyo para mag toothbrush at maghilamos.

Kinuha ko ang ternong pink pajama at pang itaas na pangtulog ko. Sinuot ko na din ang pink rabbit shoes ko. Sinilip ko muna siya sa veranda at nakatalikod siya sa'kin.

Nanlaki ang mga mata ko ng humarap siya sa'kin pero bago pa man niya ako makita ay tumakbo na ako papunta sa kama at dumapa sabay taklob ng comforter. Kailangan kung mag kunwaring tulog at kapag naramdaman ko ng umalis na siya dito sa kwarto namin ay dun na ako susunod sa'kanya.

Naramdaman ko ang pag higa niya sa tabi ko. Kaya naman ay tumalikod ako sa'kanya at nag kunwaring natutulog.

"Good night, asawa kong bakla." sambit ko habang nakapikit.

Maya maya pa ay hindi ko namalayang sa pagkukunwari ko ay natuluyan na akong nakatulog pero dahil malakas ang pakiramdam ko ay naramdaman kung umalis siya sa kama. Tinalasan ko ang pandinig ko kahit nakapikit ang mga mata ko.

Narinig ko ang pagbukas ng sliding door ng walk in closet niya at maya maya pa ay sumara ito. Nasinghot ko pa talaga ang pabango niya. Talagang pupunta siya sa bar na tinutukoy ng kung sino man yung nag text sa'kanya 'a.

Bumukas ang pinto at sumara din ito. Narinig ko ang papalayong yabag niya kaya naman ay iminulat ko na ang mga mata ko at napatingin sa pinto. Bumangon naman ako sa kama at dali daling pumasok sa closer ko.

Anong susuutin mo? Hindi pwedeng utong pantulog ko ang susuutin ko noe.

Natigil naman ako ng may nahagip ang mata ko na isang dress na kulay red. Hindi ako nagdalawang na kinuha ko iyun kasama ang stiletto.

Dahan dahan naman ang hakbang ko pababa ng hagdan at tumitingin tingin sa madilim na paligid. Napatalon pa ako at muntik ng sumigaw ng may humarorot na sasakyan papalayo mabuti nalang natakpan ko ang bibig ko gamit ang kamay ko.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now